Gabby Concepcion naging kamukha ni KC Concepcion sa usong-uso ngayon na Snapchat Gender Swap Filter!



Halos lahat ay nasubukan na ang patok na patok ngayon na Snapchat Face Filter na nag-eedit ng mga mukha ng mga tao na maaaring mapabata ang kanilang itsura o di kaya naman ay ang pagpapalit nila ng kasarian na mula sa lalaki ay magmumukhang-babae o di kaya naman ay kung babae ang gagamit at magmumukha itong lalaki.


Maging ang ilan sa mga sikat na artista at personalidad ay nasubukan na rin ito sa kani-kanilang mga cellphone at ibinabahagi rin nila ang kanilang mga larawan sa kani-kanilang social media account. Tulad na lamang ng 54 na taong gulang na beteranong aktor na ito na nasubukan ang nasabing Snapchat Gender Swap Filter. Talaga namang sobrang namangha ang mga netizen sa nakakatuwang transpormasyon ng aktor dahil sa kamukhang-kamukha niya ang kaniyang anak na si KC Concepcion.



Nito lamang ika-23 ng Mayo ay nagbahagi ang aktres at kilalang personalidad na si KC Concepcion sa kaniyang social media account ng isang “breaking news” kung saan sinubukan ng kaniyang ama na si Gabby ang gender swap photo na talaga namang mapagkakamalan mong si KC. Sinundan naman ito ng kaniyang poll na nagtatanong kung sino ang mas mahal ng kaniyang mga tagasuporta, kung ang tunay na KC Concepcion o ang mapagpanggap niyang ama na si Gabby Concepcion.


Ang unang bersyon ng Snapchat ay tinawag na Picaboo na nilikha ni Evan Spiegel at ng co-founder na si Bobby Murphy. Una itong nai-launch noong 2011. Setyembre 2011 naman ng iniba ninq Spiegel at Murphy ang kanilang messaging app sa Snapchat at naglagay pa sila ng mga karagdagang feature na makuha ng mga nakakatuwang larawan at nailaunch na rin ito sa iOS App Store.



Ang nasabing app ay ginagamit bilang isang multimedia message. Ang mga “snaps” na ito ay maaaring larawan o di kaya naman ay maikling video na maaaring i-edit pa ng filter o effects, text captions at ilang drawing. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 190 milyon na aktibong mga miyembro ito mula nang pumasok ang taong 2019 ayon sa ilang mga ulat.




error: Content is protected !!