Isang guro sa Tarlac ang gumawa ng sapin na malalambot para sa mga upuan ng kanyang mag-aaral



Itinuturing na pangalawang magulang natin ang mga guro. Marami sa naging oras natin noong tayo ay nag-aaral ay napupunta sa eskwelahan kasama ang ating guro. Ang mga guro din ang nagsisilbing gabay natin sa pagtahak sa magandang kinabukasan.


Isang dedikasyon ang ginagampanan nila at dapat lamang ipagmalaki ang mga guro. Hindi kasi biro ang hamon ng propesyon na ito. Madalas nating alalahanin ang mga gurong mababait at naging inspirasyon. Dahil nalalapit na ulit ang pasukan, ilan sa ating mga guro ay nililinis at inaayos ang mga silid aralan. Ang maayos at magandang silid aralan ay may malaking dulot din upang mas maging kawili-wili ang pagaaral.




Katulad na lamang ng isang guro sa Tarlac na nagpakita ng kabaitan sa kanyang mga estudyante. Siguradong ikatutuwa ng mga estudyante ang ginawa ng kanilang guro sa kanilang upuan. Si Merlita Geronimo Narne ay isang guro sa Balayang Elementary School sa Victoria, Tarlac. Dahil marunong ang guro sa pananahi, minabuti niyang lagyan ang mga armchair ng pampalambot na sapin. Sa dami ng upuan, nagawa niya ito ng siya lamang mag-isa.


Ang bawat upuan ay may mga malalambot na foam at siguradong maginhawa ang pag-upo ng mga estudyante. Makulay din at maganda ang pagkaka-yari sa mga seat-covers. Masasabing isang magaling na mananahi din si Teacher Merlita.




Ang ginawang kabutihan ni Teacher Merlita ay naging viral sa social media. Maraming netizens ang nabilib sa angking galing ng pananahi ng guro at siyempre sa kabutihan niya para sa kanyang mga estudyante. Malaking bagay ito upang komportableng matuto ang mga mag-aaral sa kanilang pagpasok.




Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroong ganitong klaseng guro tayong makikita. Mula sa kanyang talento sa pananahi ay naipadama niya sa kanyang estudyante ang pagpapahalaga sa edukasyon. Ang iyong kabutihan Teacher Merlita ay magiging inspirasyon nawa sa mga ibang guro upang makita nila na may paraan upang maginhawang matuto ang mga mag-aaral sa eskwelahan





error: Content is protected !!