Bansang Japan, namimigay ng libreng mga abandonadong bahay para sa mga taong nangangailangan nito!



Halos lahat naman sa atin ay nangangarap magkaroon ng sarili nating mga bahay at lupa. Sadyang napakalaking gastos din naman kasi ang buwanang pag-upa sa mga apartment o iba pang lugar na maaaring tirhan ng isang tao. Marami din naman ang mga nakikitira lang sa kanilang mga kamag-anak o di naman kaya ay pumipisan sa kanilang mga magulang kahit pa nga mayroon na rin silang sariling pamilya.


Kung kaya naman nakakagulat malaman na sa bansang Japan pala ay mayroong mga abandonadong bahay na ipinapamigay ng kanilang gobyerno. Sa bansang Japan ay maraming “Akiya” o mga abandonadong tahanan sa salitang tagalog.



Marami ang umaalis sa mga probinsiya roon dahil mas nais nilang manirahan na sa malalaking siyudad tulad na lamang ng Tokyo. Ilan sa mga probinsiyang mayroong mga bakanteng bahay ay Kagoshima, Koshi, at Wakayama na sa ngayon ay mayroon nang sampung porsyento ng mga bakanteng bahay at tinatayang tataas pa ito ng 30 porsyento sa darating na 2023 ayon sa paniniwala ng ilang organisasyon.



Noong 2013 naman ay kinumpirma nga ng Ministry of Internal Affairs and Communication ng Japan na mayroong halos 8.2 milyong abandonadong bahay ang maaaring ipamigay sa mga taong nagnanais na tirhan ang mga ito.


Isa na rin sa mga pangunahing dahilan ng pagdami ng mha “akiya” sa Japan ay ang paglobo ng populasyon ng mga matatanda kung saan kadalasan na lamang silang ipinapasok sa mga retirement homes at hindi na natitirhan pa ang kani-kanilang mga tahanan.


Dahil na rin sa kultura ng mga hapon patungkol sa mga pamahiin kung kaya marami sa mga tao roon ang hindi basta basta tumitira sa mga bahay o abandonadong bahay roon. Naniniwala sila na kung malas ang unang naninirahan doon ay maaaring maisalin sa kanila ang kamalasan na yun. Dahilan din ito upang hindi mabili at tuluyan nang hindi maibenta ang mga “akiya”.






error: Content is protected !!