‘Goliath Grouper’ isang malaking isda na natagpuan, kabilang sa mga ‘endagered species’



Ang mga karagatan na naka-palibot sa ating bansang Pilipinas ay pinamamahayan ng maraming ‘aquatic species’. Itinuturing din ang bansa na sentro ng ‘marine biodiversity’ dahil sa magandang lokasyon nito. Gayon pa man, may mga hayop sa karagatan na itinuturing na malapit ng maubos o tinatawag na ‘endangered species’. Isa sa mga halimbawa ay ang butanding.


May isang malaking isda ang natagpuan sa ating bansa at ito ay nabahagi ni McAdam Datucali Pundaodaya sa kanyang Facebook. Ito ay litrato ng isang nahuling isda na mabibilib ka sa laki nito. Ang isdang ito ay nahuli sa karagatan ng Sultan Naga Dimaporo, sa Lanao Del Norte. Nakakalungkot sabihin na ang malaking isda ay nabibilang pala sa mga ‘endangered species’.




Tinatawag na Goliath Grouper ang isdang nahuli. Malalaki ang mga bunganga ng mga isdang ito at karaniwan ay namumuhay sila sa mga tropikal na karagatan. Dati ay marami ang klase ng isdang ito sa Amerika ngunit pagkalipas ay naging ‘endangered species’ na ito.


Naging viral sa facebook ang mga larawang ibinahagi ni McAdan. Maraming mga reaksyon ang nakuha nito at iba’t-ibang komento. Mayroong iba na ginagawan ng katatawanan ang paghuli sa malaking isda patungkol sa pagluluto.



Gayon pa man, mayroong ibang nababahala dahil ang isdang ito ay nabibilang sa mga isdang malapit ng maubos. Dapat lamang daw na hindi na hinuhuli ang mga isdang ito at pinapakawalan na lamang sa dagat.


Ito rin ay isang panawagan para sa lahat na karapat-dapat lamang pangalagaan ang mga hayop na malapit ng maubos. Huwag dapat pairalin ang pagiging sakim sa mga ganitong gawain. Ang bawat nabubuhay mapa-lupa man o mapa-dagat ay dapat inaalam kung maaari bang pakinabangan o dapat na pangalagaan. Totoong nasa huli ang pagsisisi. Sino ba ang nagsisi ng simula pa lamang? Kaya habang hindi pa huli ang lahat, huwag nating ubusin ang mga ‘endangered species’.





error: Content is protected !!