Isang 7 taong gulang na bata na Iranian ang may taglay na mala-manikang kagandahan



Isa sa kinagigiliwan ng mga tao ngayon ay ang social media. Sa pamamagitan nito ay nakikita at nalalaman natin ang iba’t-ibang balita, trend, issue, kagandapan, atpb. Sa pamamagitan din ng social media, naibabahagi din ang mga larawan na magpapakita ng kagwapuhan o kagandahan. Kung paguusapan ang kagandahan, isang pitong taong gulang na taga-Iran ang nakikilala ngayon. Maaaring siya nasiguro ang susunod na tataguriang “Most Beautiful Woman In The World”.


Ang batang ito ay si Mahdis Mohammadi na isang Iranian na aaklain mong parang manika na buhay. Talagang magagandahan ka sa maamo at magandang itsura ng bata. Ang magandang batang ito ay sumisikat na sa Instagram dahil sa mga ibinabahaging mga larawan. Sa katunayan ay mayroon na siyang 200k na followers at ang ilan pa dito ay followers na niya simula pa lamang ng siya ay baby pa lamang.




Ang batang ito ay biglang sumikat dahil sa angking kagandahan. Ilan sa mga ibinabahaging larawan ay mga biyahe nila kasama ang magulang at ilang mga ginagawa ng isang bata. Nakaka-tuwa din ang mga magulang dahil suportado nila ang kanilang anak. Kung pagmamasdan ang kagandahan ni Mahdis, ang unang mapapansin ay ang kanyang bilog na bilog at magandang mata. Idagdadg pa dito ang magandang ilong, magagandang labi, at magandang ayos ng buhok. Para talagang manika ang itsura niya.


Dahil sa kasikatan niya, napabilang na rin siya sa ilang mga magazines at mga palabas sa kanilang bansa. Napasama din siya sa isang music video na isang singer na si Hamed Ghorbani. Marami ring netizens ang natutuwa sa kanyang ama dahil sa pagsuporta nito. Katulad na lamang ng pagtulong ng ama sa pag-ayos ng buhok ni Mahdis at pagsama sa ilang mga larawan ng magandang bata. Hindi malayo para sa batang ito ang maging kilala sa buong mundo. Dahil masasabing halos perpekto na ang kanyang kagandahan. Kaya naman marami ang sumusubaybay sa kanya.



Gayon pa man, dahil siya ay bata pa lamang. Hindi natin masasabi kung hanggang saan ang magiging kasikatan niya. Pero marami pa rin ang naghahangad na siya ay maging matagumpay sa kanyang buhay bilang isang batang maganda at sa kanyang pagdadalaga.