Isang Pinoy sa Canada nadiskubre na ang pamana ng kanilang pamilya ay isang malaking perlas na nagkakahalaga ng $90 milyon!



Ang pamilya ni Abraham Reyes ay nagmamay-ari ng kakaiba at hugis ngipin na puting bagay na tila makinis na bato. Nagpasalin-salin na ito mula sa unang henerasyon hanggang sa isa pang henerasyon mula ng matagpuan ito ng kanilang lolo sa isang malaking tulya na nabili nito sa isang mangingisda noon pang 1959. Kamakailan lamang natuklasan ng pamilya ang tunay na halaga ng akala nila noon ay isang normal na “bato” lamang. Ang halaga pala nito ay tumataginting na $90 milyong dolyar o nasa 4.73 bilyong piso!


Nakabase sa Ontario, Canada ang pamilya at matagal nilang inakala na ang tila isang normal na bato lamang ay may napakataas pa lang halaga. Batid nila na nakuha ito ng kanilang lolo mula sa Pilipinas ngunit hindi nila agad inakala na ito pala ay isang perlas dahil na rin sa kakaibang hugis nito.




Maraming mga tao ang nag-aakala na ang mga perlas ay sadyang maliit lamang at pabilog ang hugis kung kaya naman hindi akalain ng pamilya ni Abraham na ang naging pamana ng kanilang lolo na tumitimbang ng 27.65 kilo ay isa rin pa lang uri ng perlas.


Kung kaya naman nang nalaman ni Abraham na sa isang mangingisda mula sa Palawan nabili ng kaniyang lolo ang nasabing perlas ay agad niya itong ipinasuro sa isang Geological Institute sa America. Laking gulat niya nang malaman na nasa higit isang libong taong gulang na pala ang nasabing perlas at ito ay nagkakahalaga ng $90 milyon!


Mayroon din namang naitala na “Largest Pearl in the World” na kung tawagin ay “Pearl of Lao Tzu na may timbang na 6.4 kilo noong 1939. Kilala rin ito bilang isa sa pinakapamosong hiyas sa buong mundo. Nabasag ang record na ito ng 34 kilo na “Pearl of Puerto Princesa” noong 2016 na nagkakahalaga ng $100 milyong dolyar! Ang perlas naman na nasa pangangalaga ng pamilya ni Abraham ay binansagan niyang “Giga Pearl” bago pa man sila magpagawa ng 22-carat gold na hugis pugitang holder para dito.





error: Content is protected !!