Pagmamahal ng ama na isang bus driver sa kaniyang anak na special child, umani ng maraming papuri at komento!



Ang mga ama ay mahalaga sa buhay ng kanilang mga anak. Madalas silang nakikipaglaro sa kanilang mga anak lalo na kung wala silang trabaho o di kaya naman ay pagkatapos nito. Sila rin naman ang nagiging gabay ng kanilang mga anak upang makaya nilang mag-isa, magkaroon ng kompiyansa sa kanilang mga sarili at maging matagumpay sa kanilang buhay. Ang mga haligi din ng tahanan ang siyang sumisiguro na madidisiplina ang kanilang mga anak. Sinisiguro nila na ang kanilang mga anak ay magiging handa sa hamon ng totoong mundo.


Talaga namang nakakamangha ang mga kwento tungkol sa wagas na pagmamahal ng mga ama sa kani-kanilang mga anak. Gaya na lamang ng kwento ng isang ama na ito noong ika-25 araw ng Mayo 2019. Isang netizen na nakilala bilang si Marivic Ando Natividad ang nagbahagi ng nakakamanghang kwento ng mag-ama na nasaksihan niya habang lulan siya ng isang bus patungo sa kaniyang trabaho.




Isinalaysay niya na hindi naman talaga siya tipikal na sumasakay ng bus patungo sa kaniyang trabaho ngunit laking tuwa niya ng makita ang isang special child na malapit sa kaniyang inuupuan na ngiti ng ngiti sa kaniya. Napansin din niya na kabisado ng bata ang halos lahat ng mga lugar na hinintuan ng bus at siya pa mismo ang tumatawag sa mga pasaherong bababa rito.

Dagdag pa niya, kitang-kita at halatang halata sa mukha ng driver ang saya at ligaya sa kaniyang mga mata dahil sa ginagawang tulong ng bata sa kaniya. Kalaunan na lamang niya napagtanto na anak pala itong driver dahil sa pagtabi nito dito at pagtawag ng “Papa!”.




Narinig din niya ang pag-aalalang tanong ng ama sa anak ng bigla itong lumipat ng upuan at tumabi sa ama nito na nagmamaneho dahil sa maaari silang mahuli ng mga otoridad. Kapansin-pansin din ang pagiging madaldal ng bata at ang pakikinig ng ama nito sa bawat sasabihin niya. Nakapagpa-antig din sa kaniyang puso ang masayang pag-awit ng mag-ama na maligayang maligaya sa kanilang pagsasama.




Tinapos naman ni Natividad ang kaniyang post sa pagpapasalamat sa lahat ng mga ama na walang sawa na nagsasakripisyo at sumusuporta sa kanilang pamilya at sa kanilang mga anak.





error: Content is protected !!