Sa wakas ay ikinasal na ang aktor na si Gardo Versoza at ang matagal na niyang kapareha na idinaos sa isang simpleng seremonya!



Ang kasal ay isang sagrado at banal na seremonya kung saan binabasbasan at pinagtitibay ang pagsasama ng dalawang nag-iibigan o nagmamahalang indibidwal, isang lalaki at isang babae ayon sa ating Banal na Kasulatan. Tunay nga na ang pinag-isa at binasbasan ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay ninuman. Kasalan din ang isa sa pinakamasayang selebrasyon na ipinagdiriwang nating mga Pilipino bukod sa karagdagang miyembro ng pamilya ay ang pagbubuklod ng dalawang magkaibang pamilya dahil sa pag-iisang dibdib ng isang lalaki at isang babae.


Ikinasal na nga ang mahusay na aktor na si Gardo Versoza sa kaniyang kasintahan sa matagal na panahon na si Ivy Inocencio ilang araw na ang nakakalipas. Ang kanilang kasalan ay hindi tulad ng ibang mga kasalan ng mga kilalang personalidad na magarbo at makikita mo talagang pinagkagastusan ng malaking halaga ng salapi. Mas minabuti na lamang nila na mas maging praktikal at ipagdiwang ang kanilang pag-iisang dibdib sa isang simpleng seremonya.




Nitong nakaraang ika-20 ng Mayo nang magbahagi ng ilang mga larawan ang aktor sa kaniyang social media account. Nilagyan naman niya ito ng caption na: “Kung ang pinagsama at binasbasan ay hindi pwedeng paghiwalayin ng ganun ganun na lamang.”


Agad naman silang binati ng kanilang mga tagasuporta at nang ilan pang mga netizen. Narito ang ilan sa mga pagbati ng mga netizen sa bagong kasal:
“Wow nakakahanga ang inyong kasal simple mang matatawag celebration ng inyong pag-iisang dibdib. Saludo ako sa inyo,” pahayag ng isang netizen.



“Congratulations! Let God be the center of your life!” pagbati naman ng isa pang netizen sa kanilang dalawa.

Si Gardo Versoza at Ivy Inocencio ay 13 taon nang magkasama sa buhay, ngunit nito lamang Pebrero ng yayain siyang pakasalan ng aktor. Mayroon silang isang anak na pinangalanan nilang Uziel. Talaga nga namang walang makakahadlang sa wagas na pagmamahalan. Huli man daw at magaling ay tiyak na maihahabol pa rin.


Lalo na kung para sa tao na iyong minamahal. Hanggang may pag-ibig sa ating mga puso at mayroon tayong matatag na pananampalataya sa Diyos ay wala tayong dapat alalahanin dahil ang lahat ng impossible at maaaring maging posible.






error: Content is protected !!