Tinulungan ng isang Security Guard ang isang pamilyang hindi maka-uwi sa kanilang bahay dahil walang pera



Nagkamali ng pagsakay ng bus ang isang ama at ang kanyang apat na anak sa paguwi sana sa kanilang bahay. Ito ang naging dahilan upang maglakad sila pauwi at nagbabaka-sakaling may tumulong sa kanila. Mabuti na lamang at may isang mabuting tao ang tumulong sa kanila.


Isang mabuting tao ang security guard na si Racel Diola Melargo. Ibinahagi sa Facebook sa pamamagitan ng Hanep TV ang kabutihang loob ng security guard na ito sa nakaka-awang pamilya na hindi maka-uwi sa kanilang bahay.



Ayon sa kwento na ibinhagi, ang pamilyang sinasabi ay nanggaling sa Maynila. Sila ay dapat pauwi sa Lemery Batangas at ayon pa sa tatay ay namatay daw ang kanyang asawa. Sa kasamaang palad ay mali daw ang nasakyang bus. Dahil ang bus ay papuntang San Pablo Laguna. Napuntang Tanuan Batangas, dahil walang pera ay tatlong araw silang palakad-lakad sa kalsada ng lugar at nagaantay ng tutulong sa kanila.

Dahil walang pera, naisipan na lang na maglakad pauwi ng Lemery. Habang naglalakad pauwi sa Lipa, ang isang anak ay nagtanong direksyon. Ang tinanungan ay isang security guard. Sa pagkaalam ng kwento ay naawa siya sa pamilya kaya nagbigay siya ng pera para may pamasahe na sila pauwi.



Bagamat kakaunti lang ang sweldo ng isang security guard, hindi siya nagdalawang isip tumulong sa mga taong nangangailangan. Kaya naman naging viral ang post na ito na inulan din ng mga maraming papuri mula sa mga netizen.

Sa Facebook Page ng security guard ay nagbigay siya ng liwanag patungkol sa tunay na nangyari sa pamilya. Napag-alaman niyang buhay pala talaga ang ina at ang kwento sa kanya ay gawa-gawa lamang. Nagkaroon pala ng problema ang pamilya. Gayon pa man, ipinagpapasalamat niyang maayos na ang lahat at nasa piling na ng ina ang mga nakita niyang mga bata.





error: Content is protected !!