Categories: NewsShowbizViral

Cuff at Link: Ang mga 44 taong gulang na pagong na napasama sa pelikulang “Rocky”

Si Michael Sylvester Gardenzio Stallone o mas kilala sa Sylvester Stallone ay isang batikang Hollywood aktor, direktor, screenwriter, at prodyuser. Umusbong ang kasikatan niya sa mga pelikula na “Rocky Balboa”. Ipinanganak ang sikat na aktor na ito noong ika-6 ng Hulyo taong 1946.

Ang pelikulang “Rocky” ay tungkol sa isang boksingero na nilampasan lahat ng hamon at pagsubok upang marating ang pinapangarap. Ang karakter din na ito ang nagbigay ng kasikatan kay Sylvester Stallone upang makilala sa buong mundo. Kung napanuod mo na ang mga palabas na ito, mapapansin niyo siguro na may dalawang pagong na niregalo ni Rocky sa kanyang nobya. Para mas maaliw, alam niyo bang buhay pa rin ang mga pagong na ito?

Isang post sa Instagram ni Sylvester Stallone ay ipinakita niya ang dalawang alagang pagong na sina Cuff at Link.

Ayon sa post:
“In CREED 2 with my original buddies from the first Rocky … CUFF and LINK , now about 44 years old!”

Ang dalawang pagong ay buhay na buhay pa at may edad na 44 na taong gulang. Kung iisipin ay talagang matagal na silang nabubuhay dahil lumang-luma na ang pelikulang kinabilangan nila. Limang taon ang dalawang pagong na ito nang sila ay napabilang sa pelikulang “Rocky” at ang mga babaeng pagong ay aabot sa 50 taong gulang ang tagal ng kanilang buhay.

Ang unang may-ari ng dalawang nasabing pagong ay si Joseph Marcks at ng matapos ang pelikula ay binili na ito ni Sylvester Stallone sa kanya. Kahit na mga pagong sila, sila ay bumida sa mga pelikulang Rocky II, Rocky Balboa, Creed at sa Creed II.

Nakakatuwang alalahanin ang mga pelikula ng nakaraan lalong-lalo na kung makikita mo ang mga bagay na kina-aliwan mo noong ito ay napapanuod. Sadyang kailangan talagang alagaan ang mga tao, hayop, o bagay na maaaring magpa-alala sa atin ng mga magagandang bagay.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago