Isang Pinoy Janitor sa Canada nagwagi ng $7 milyong dolyar sa lotto!



Isa ka rin ba sa maraming mga Pilipino na tumataya sa lotto? Nangangarap ka din ba na balang araw ay makukumpleto mo ang anim na mha numerong kinakailangan upang mapanalunan mo ang premyong pera rito? Tiyak na marami ang namangha at mas naging inspirado sa kwento ng isang Pinoy janitor na ito sa ibang bansa.



Isang Pinoy na janitor sa Canada ang nakapag-uwi ng tumataginting na $7 milyong dolyar na premyo sa lotto. Sampung taon na ang nakakalipas nang manirahan si Vito Halasan sa bansang Canada. At nito ngang nakaraang Abril 27, 2019 ilang araw matapos ang kaniyang ika-58 na kaarawan ay napanalunan niya ang cash prize na ito sa British Columbia Lottery Corporation.

Siya rin ay nakatira sa Surrey. At siya nga ay pinalad na makakuha ng lahat ng anim na mga numero sa Lotto 6/49. Narito naman ang naging pahayag ng bagong milyonaryo:
“I remember scanning my ticket and seeing all these numbers. I have really blurry vision so I had to hold the ticket right up to my face. I couldn’t believe it.”

Nang makita ni Victor ang mga napanalunang numero ay agad niyang tinawagan ang kaniyang anak na babae na agad namang sinuri ng ilang beses sa internet kung totoo ngang tama ang mga numerong nakita ng kaniyang ama. Pagkukwento ni Victor, mayroon siyang tatlong mga anak at apat na mga apo, araw-araw nga siyang tumataya sa lotto upang kahit papaano ay magkaroon siya ng dahilang mangarap.



Dagdag pa niya, pangarap niyang maalagaan ang kaniyang mga anak at masiguro ang kanilang magandang kinabukasan at dahil nga siya ay nanalo sa lotto, mayroon na siyang pera na pambili ng maganda at maayos na bahay para sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga apo.


Tunay ngang malaking pagpapala ang nakamit ng ating kababayan na si Victor. Ngunit sa kabila ng kaniyang natanggap na halaga ng salapi ay mas nangibabaw pa rin sa kaniya ang pagmamahal sa kaniyang pamilya at ang pagiging isang mabuting ama.




error: Content is protected !!