Mga dahilan kung bakit kumain ng tatlong itlog kada araw, alamin!



Hindi maipagkakaila na ang itlog ay isa sa mga pagkain na nakasanayan nang kainin ng marami sa ating mga Pilipino. Kadalasan natin itong inihahanda sa ating mga hapag-kainan tuwing almusal, o di kaya naman ay isinasahog sa ating mga ulam o panghalian, at kahit naman sa hapunan ay hindi rin ito nakakaligtaan ng iilan sa atin.

Marami din namang mga luto o putahe na maaaring gawin sa itlog. Pwede itong lutuin nang prito, nilaga o di kaya naman ay malasado. Ngunit marami ang nagsasabi na ang pagkain ng itlog araw-araw ay nakakasama sa kalusugan. Hindi batid ng ilan sa atin na mayroong mas maraming mga benepisyong maidudulot ang pagkain ng itlog.



Ito ang mga bitamina at mineral na makukuha sa pagkain ng itlog:


Zinc, Phosphorus, Folate, Selenium, Calcium, B Vitamin, Vitamin D, Vitamin A




Ito naman ang mga dahilan kung bakit natin kailangang kumain ng itlog araw-araw:



MABUTI PARA SA UTAK



Mayaman ang itlog sa “choline” na kinakailangan sa pagsasaayos ng utak at mental health ng isang tao. Nakakatulong din ito upang mas dumami pa ang produksyon ng molecules at bagong mga cell membrane para sa mas malusog na utak.



MABUTI PARA SA MATA




Ang itlog ay mayroong antioxidants tulad ng lutein at zeaxanthin na nakakatulong upang maging masigla at maging malinaw ang ating mga mata.

MAYAMAN SA PROTINA


Mayroon din namang protina ang itlog na nakakatulong sa pagpapatibay ng ating katawan. Nagtataglay din ito ng amino acids para sa pagpapasigla at pagpapalakas ng katawan.

PANG-PAHABA NG BUHAY




Ang pagkain ng itlog araw-araw ay nakakatulong din sa pagpapahaba ng ating buhay. Nakakatulong ito sa pag-iwas sa mga sakit na gaya ng kanser at sakit sa puso. Hindi rin dapat ipagalala ang cholesterol na dulot nito sa ating katawan dahil “good cholesterol” naman ang nakukuha natin sa pagkain ng itlog at hindi “bad cholesterol”.





error: Content is protected !!