Mga lalaking tumutulong sa mga gawaing bahay may mas mataas na EQ at mas malusog na pangangatawan ayon sa mga eksperto!



Kung ikaw ay isang lalaki at madalas mong tinutulungan ang iyong misis sa mga gawaing bahay, ito ay isang magandang balita para sa iyo. Dahil ayon sa mga eksperto, ang mga kalalakihan na nagbibigay ng kanilang “effort” o higit pa ay nagtataglay ng mas mataas na EQ at tiyak na mas maliligaya pa kumpara sa mga kalalakihan na hindi tumutulong sa gawaing bahay katuwang ang kanilang mga misis o kapareha.


Ayon kay Dr. Huang Wei Li ng Taiwan, ang mga kalalakihan na tumutulong sa gawaing bahay ay nakakatamasa ng tatlong mga benepisyo, mas mataas na EQ, mas malusog na pangangatawan, at mas malusog na pamumuhay. Ang mga benepisyong ito ay mapapansin sa kakayahan nilang makatapos o makagawa ng mga gawaing iniaatang sa kanila. Dahil sa kakayahanan nilang tumulong sa mga gawaing bahay na ito ay mas nalilinang pa ang kanilang abilidad sa paglalaan ng oras para sa mga bagay na kailangan nilang gawin o nais nilang gampanan.




Napatunayan din na ang mga kalalakihang masipag sa gawaing bahay ay mayroong mas mataas na “emotional intelligence” kumpara sa ibang mga kalalakihan na walang pakialam o hindi naglalaan ng oras para sa pagtulong sa mga gawaing bahay. Nagiging malaking tulong din ito sa kanilang mga asawa at mga kasama sa bahay at mas nakakatulong sa masaya nilang pagsasama-sama.


“Washing clothes, mopping floors, doing the dishes, these are all forms of exercises and they are great to be done especially after dinner. Don’t just sit on the sofa and watch television. After sitting in your office for a long time, it is best to move around by doing the household chores which will reduce your risk of getting cardiovascular di$ease,” pagpapaliwanag ng eksperto.



Naibahagi din ni Dr. Huang Wei Li na nakasanayan na noon pa man ng maraming mga kalalakihan na maglaro ng bilyar o di kaya naman ay magsayawan matapos ang hapunan. Ngunit dahil hindi na ito madalas na ginagawa ngayon ay isang mabuti at magandang alternatibo ang pagtulong sa mga gawaing bahay.




error: Content is protected !!