Mga litrato ni Marian Rivera, makikitang parang hindi siya nanganak dahil sa kanyang magandang katawan



Marami ang natuwa sa pagsilang ng bunsong anak nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Jose Sixto Dantes IV. Ipinanganak ang munting anghel noong nakaraang Abril 2019 (Easter Sunday). Isang biyaya ang pagsilang ng kanilang pangalawang anak. Pero marami rin ang nagaabang sa muling pagbabalik ng primetime queen na si Marian Rivera.


Malaki ang pagbabagong dulot sa pisikal na anyo ng isang nagdalang-tao. Ang iba sa mga nanganak ay tumataba at nagiiba ang itsura. Pero para kay Marian Rivera, tila ba parang lalo pa siyang gumanda sa pagsilang niya sa kanyang pangalawang anak. Mapapatunayan ito sa mga litrato na kuha ng Quatro Studio na naibahagi sa Instagram. Makikita dito na maganda ulit ang hubog ng katawan ni Marian Rivera at makikita din ang mala-diyosa niyang mukha.




Sa litrato ay suot niya ang kulay pastel na pink na kasuotan na disenyo ni Rossana Ocampo, suot din niya ang “Stacey Heels” na galing naman kay Jimmy Choo na may halagang halos ₱17,000. Si Stephen Doloso naman ang nagayos kay Marian, nagmake-up at nag-ayos ng magandang curly na buhok.


Ito ang naging caption ng post ng Quatro Studio:
“What a lovely day hanging out with new mom @marianrivera who’s looking so good in custom @studio_rosannaocampo & @jimmychoo [heart emoji] Styling @melvillesy @maitabaello #Qurator • Makeup @stevendoloso • Hair @nantealingasa,”




Naging masaya din si Rossana Ocampo at ipinagmalaki ang kagandahan ni Marian Rivera sa kanyang Instagram.



Ito naman ang naging caption ni Rossana Ocampo:
Didn’t she just give birth a month ago?! [hands up emoji] Beautiful mother of two @marianrivera wearing our Xandrita dress [heart emoji],”


Tunay na saludo ang maraming tao sa pagpapakita ni Marian Rivera na kaya niyang ibalik ang kanyang katawan kahit na isang buwan pa lamang ng siya ay nagsilang ng kanyang anak. Ang mga larawan na nakita ay tunay pinuri ng maraming netizens.



Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
“Beautiful since birth c Marian May disiplana s sarili tamang pgkain, tulog, exercise, msaya at mpgmahal n pmilya.kya mkkita ito s labas nyng kaanyuan.”




“one of the prettiest and sexist star ng GMA kahet dalawa na anak niya… parang hindi nanganak Ano ba yan Marian dalawa na anak mo ganyan ka parin kaganda at sexy ako nga virgin parin pero mukhang laspag na unfair ni papa God ”




error: Content is protected !!