Ang kwento ng pag-ibig ni Yasmien Kurdi, kung paano niya nakilala ang asawang piloto



Kilala natin si Yasmien Kurdi na aktres na nagsimula sa talent search na Starstruck. Ang kapuso na aktres ay nagkaroon din ng maraming teleserye at mga pelikula. Isa rin siyang magaling na mang-aawit at isa sa mga sikat niyang kanta ay “I Know”.



Pero marami ang hindi nakakaalam kung sino ba ang lalaking nagpatibok ng puso niya. Ang 30 taong gulang na aktres ay ikinasal sa isang piloto na si Rey Soldevilla Jr. Sila ay ikinasal noong taong 2012 at binayayaan ng anak na babae na ang pangalan ay Ayesha.


Nakakatuwang malaman na ibinahagi ng mag-asawa ang naging istorya ng kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng isang vlog na ibinhagi sa Youtube. Ang vlog na ito ay ang biyahe nila papuntang Zamboanga kasama ang kanilang anak na babae.


Sa umpisa ng vlog, ipinakita ni Yasmien ang kanyang napaka-gandang anak na si Ayesha. Tila ba kahawig na kahawig ni Yasmien ang kanyang anak. Ipinakita din nila sa vlog ang pagsakay sa eroplano.

Pagdating sa airport ng Zamboanga, sila ay nagkaroon ng pagkakataon na ibahagi ang naging kwento ng kanilang pag-iibigan. Sa umpisa ay sinabi ni Yasmien ang pagka-sabik niya sa mga pagkain. Sinabi rin niya kung ano ang tawag sa kanilang background, na ang tawag ay “vinta”.



Nagka-kilala ang dalawa sa eroplano noong mga panahon na isang ‘cabin crew’ pa lamang si Rey. Mga panahong iyon ay nakasakay si Yasmien sa eroplano at may dalang ‘baul’ at hindi magkasya sa kompartment. Ito ang naging dahilan upang magkakilala silang dalawa at para mag-usap. Nasabi din nila na tatlong beses silang pinagtagpo sa eroplano.

Ibinhagi din nila ang unang date nila ay sa Starbucks 32nd Ave. Kaso nalungkot sila dahil wala na ito. Naglokohan din sila sa tanong na kung sino ang unang nagsabi ng “i love you” at sabi ni Yasmien ay si Rey sa regalo netong ‘mug’ na may nakalagay na note sa loob. Natapos ang vlog ng dumating ang tatay ni Rey.



Nakaka-kilig ang kwento ng pag-ibig nilang dalawa. Tunay na tadhana ang naglapit sa dalawang ito at makikita sa kanila na masaya silang dalawa.




error: Content is protected !!