Bagong kasal na sina Slater Young at Kryz Uy lumipat na sa kanilang napakagarang mansyon sa Cebu!



Maraming mga tao ang nangangarap na makapagpundar at makapagpatayo ng sarili nilang mga tahanan. Isang tahanan kung saan bubuo sila ng maliligaya nilang alaala at palalakihin ang kanilang mga magiging anak. Ngunit hindi lahat ng tao ay nabibiyaan ng ganitong oportunidad na magkaroon ng sarili nilang bahay. Kung kaya naman marami ang humanga sa mga kilalang personalidad na ito na nag-isang dibdib kamakailan lamang.


Tatlong buwan na ang nakakaraan ng magpakasal ang Pinoy Big Brother Winner na si Slater Young at ang blogger na si Kryz Uy sa isang beachside wedding sa Cebu. Kamakailan lamang ay lumipat na nga ang bagong kasal sa kanilang mansyon na tinawag nilang “Skypod”. Ibinahagi ni Slater Young na bagamat hindi pa 100 porsiyentong natatapos ang kanilang bahay ay labis siyang nagagalak sa naging resulta ng kanilang “forever home”.




Inilarawan din ng dating aktor ang kanilang tahanan bilang “architecturally challenging”, pitong buwan ang naging tantiya nila ng pagtapos ng kanilang bahay ngunit ito ay inabot ng higit sa siyam na buwan. Sa kabilang banda, ang kaniya namang misis na si Kryz Uy ay isang linggong naglilinis, naglilipat, at nag-aayos ng kanilang mga kagamitan.


Laking pasasalamat naman ni Kryz sa kanilang mga mahal sa buhay na walang sawang sumusuporta at tumutulong sa kanilang mag-asawa magmula sa pagbibigay ng mga halaman, paglalaba ng kanilang mga damit, at pagbibigay ng mga “pre-marinated meals”. Dagdag pa niya ang kanilang kusina ang kaniyang “new spot” at talaga namang unti-unti siyang nagsasanay na matutunan ang mga bagay-bagay patungkol sa buhay may-asawa.



Nagkaroon din siya ng pahayag sa kaniyang social media account patungkol sa halagang nagastos nila sa pagpapatayo ng kanilang tahanan. Bagamat hindi siya nagbigay ng eksaktong presyo ay may pasaring ito na mamamaalam na siya sa pagsashopping mula ngayon.


LLG Architects ang nagdisenyo ng kanilang magarang bahay. At nito nga lang nakaraang May 13 nang maipa-bless ng mag-asawa ang kanilang tahanan na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at mahal sa buhay.





error: Content is protected !!