Categories: Viral

Sobra-sobrang ani ng mangga sa Ilocos Sur, libre na lamang na ipinamimigay!

Likas na sa ating mga Pilipino ang maging mapagmahal, madasalin at mapagbigay. Hindi natin kinakailangan na maging mayaman o magkaroon ng maraming mga materyal na bagay upang makatulong at makapagbigay sa ating kapwa. Ngunit aminin man natin o hindi mayroon pa rin talagang ilang mga tao na mas ninanais na maging madamot. Tulad na lamang ng ilan sa ating mga kakilala na madalas ay napapanisan ng mga pagkain sa kanilang ref o sa imbakan nila ng pagkain dahil mas nais nilang itabi na lamang ang mga pagkaing ito kaysa ibahagi sa kanilang kapwa. Nakakalungkot man ang mga ganitong pangyayari ngunit mayroon pa rin naman talagang mga tao na nagiging inspirasyon sa mas maraming tao upang magbigay.


Sa gitna ng medyo maulan na panahon nitong mga nagdaang araw ay talaga namang nabiyayaan ng masaganang ani ang Ilocos Sur. Halimbawa na lamang ang maliit na bayan ng Salcedo sa Ilocos Sur na kilala sa masasarap at matatamis nitong mga mangga ay talaga namang pinagpala sa napakarami nilang ani.

Sa katunayan nga ay marami sa mga sobrang mga mangga na ani nila ay ipinapamigay na lamang ng ilang mga residente doon. Sa halip na mabulok ang mga mangga nila ay nilalagay na lamang nila ang mga sobrang mangga sa plastik at sinasabit sa labas ng kanilang tahanan na mayroong kasamang karatula na “FREE” o libre.

Kinuhanan ng larawan ng isang residente doon ang kanilang kapitbahay na nagsabit ng mga mangga at namimigay ng mga sobra nilang ani ng libre sa mga nagnanais nito. Narito ang ulat ng GMA NEWS na nailathala noong ika-30 ng Mayo:
“Naisip daw nilang ipamigay na lang ang mga mangga kaysa masira at hindi mapakinabangan. Sa palengke roon, bagsak presyo na ang mangga na mabibili ng sampung piso kada kilo.”


Sa Metro Manila, ang halaga ng mga hinog na Indian mangoes ay pumapatal sa P75 hanggang P80 kada kilo. At sa Ilocos Sur naman ay sampung piso lamang kada kilo! Salamat na lamang sa biyaya ng masaganang ani para sa kanila at sa mga tao na kanilang matutulungan at mabibiyaan din ng mga pagpapalang ito.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago