‘Spiderman’ na gumawa ng eksena sa PBA finals, nakalaya na at nagbigay ng pizza sa mga nakasama niya sa kulungan



Naging kilala ang lalaking nagsuot ng costume na ‘Spiderman’ at gumawa ng eksena sa Game 5 ng PBA finals. Ang kupunan na naglalaban ay ang San Miguel at Magnolia. Marami ang nagulat sa ginawa ng lalaki na bigla na lang sumulpot at tumakbo sa loob ng court.



Ang lalaling ito ay tumatakbo sa court at may dalang karatula na “Vote Love, Love PBA, Love Philippines”. Sa kasamaang palad ay sa pagtakbo niya ay nabangga niya si Jun Mar Fajardo. Ito rin ang naging dahilan upang mag-init ang ibang players sa ginawang eskandalo ng lalaki.

Napag-alaman na ang pangalan niya ay Paolo Felizarta. Ayon sa kanya ay gusto niya lang magbahagi ng pagmamahal sa nakalipas na eleksyon. Kaso ang ginawa niyang eskandalo ay nagresulta ng pag-aresto sa kanya sa Quezon City Police District Station 7.






Samut-saring mga reaksyon ang naging dulot nito sa mga tao. May mga iba natuwa at nagsasabing pakulo daw ito ng PBA. Ngunit mayroon ding nainis at iniisip na nababaliw na ang lalaking ito. May iba naman na nagsasabing gusto lamang magpasikat ng lalaki.


Kamakailan lamang ay nakalaya na si ‘Spiderman’. Sa isang nabahaging vlog na may titile na “Ang Pagbabalik”. Ibinahagi ang pagbalik sa preso ni Spiderman upang magdala ng “Pizza” sa mga nakasama sa kulungan.



Nasabi niya na mababait ang mga nakasama niya sa preso kaya gusto niyang bumawi sa kabutihan na natanggap niya. “They treated me well so I have to give back.”.



Sa pagbalik niya sa Quezon City Police District Station 7, suot pa rin niya ang ang costume. Makikita sa video na tuwang-tuwa ang mga taong naka-kulong at tila ba masaya silang makita muli ang nakasama nila.


Kahit na pinagtawanan siya at iniisip na iba na baliw siya, ang pinakita niyang kabaitan sa mga nakasama sa kulungan ay magpapakita ng kabaitan niya bilang isang tao. Pero ang katotohanan ay mali pa rin ang ginawa niya noong siya ay gumawa ng eksena sa PBA Finals, paano na lamang kung siya ay napahamak sa ginawa niya? Kanino ang magiging sisi?




error: Content is protected !!