Isang fastfood manager binuhusan ng softdrinks ng customer dahil sa pagsunod nito sa “strawless policy” nila!



Tunay nga na mahirap ang buhay. Hindi na nakapagtataka na maraming mga kabataang Pilipino ang nagsusumikap at nagtitiyagang mabuti para sa kanilang pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya. At kapag sila ay nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral ay magkakaroon na sila ng mas malaking oportunidad upang makapaghanap sila ng magandang trabaho.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga sa social media ang post na ibinahagi ng isang fastfood manager na nakilala bilang si Imee Joy Urgelles na sa kasalukuyan ay mayroon nang higit sa 26,472 shares at 82.6 libong mga likes at reactions. Umani rin ito ng napakaraming mga komento sa mga netizens ay marami rin ang tila mayroong parehong karanasan ng kay Imee. Narito nga ang kaniyang ibinahaging post sa kaniyang social media account na nilagyan niya rin ng titulo na “strawless”:




“Sa customer na nagbuhos sakin ng softdrinks dahil sa “straw less” kami ingat po kayo Mam. Thank you dahil sa inyo napatunayan ko na effective manager ako hindi ko man nabigay ang straw na kailangan mo at least naexplain ko ng maayos kung bakit wala kaming straw. Sa muling pagkikita and God bless you po. Sa lahat ng fastfood customer na nakakaintindi at nakakaunawa ng “STRAW LESS” kudos sa inyo. PS. Nanay ko pa naman nag plantsa ng uniform ko. Tuloy ang duty hehe.”




Tunay ngang nakakasama ng loob at nakakagalit ang naranasan na ito ni Imee ngunit sa halip na magalit rin siya sa ginawa ng kanilang customer bagkus ay nanatili pa rin siyang mahinahon at isinakatuparan niya ang kaniyang tungkulin bilang isang manager sa kilalang fastfood chain. Talaga namang marami ang humanga sa kaniyang ginawa at propesyunalidad. Marami din ang bumati sa kaniya na dati niyang mga katrabaho at mga malalapit na kaibigan. Bumuhos din ang papuri at suporta sa kaniya ng maraming mga netizens.






error: Content is protected !!