Isang netizen hinikayat ang marami na linisin ang kanilang pinagkainan matapos kumain sa fastfood chain!



Marami sa ating mga Pilipino ang madalas na kumakain sa mga kilalang fast food chain lalo na kung nais nating kumain ng burger, fries, o iba pang mga pagkain na agad namang iseserve sa atin matapos nating pumila at makaorder. Madalas din nating maranasan ang paghihintay na mabakante ang mga lamesa na pinagkainan ng mga naunang customer na kung minsan nga ay talagang mapapailing ka na lang sa sobrang kalat at dumi ng kanilang mga pinagkainan. Marahil at nasa isip nila na mayroon namang nga service crew na magliligpit ng mga yun para sa kanila at binabayaran naman sila upang gawin ang kanilang trabaho.



Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga sa social media ang pakiusap na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Junery Ace Villa. Nagbahagi siya ng isang larawan ng mga plato at baso na tapos nang gamitin at maayos na nakasalansan at pinagpatong-patong sa isang sikat na kainan. Mapapansin din na pati ang mga buto ng manok at balat ng kalamansi ay maayos na nakalagay sa ibabaw ng mga plato na pinagpatong-patong sa ibabaw ng mesa.

Ito ang naging caption niya sa larawan na kaniyang ibinahagi sa kaniyang social media account:
“Practice doing this whenever you will eat outside and you will surely bring smile on the crew’s face,” pagbabahagi ni Villa.


Ang nasabing viral na post ay mayroon nang mahigit 30 thousand views at 97 thousand shares. Marami rin namang mga netizens ang nagkomento ng positibo sa post na ito. Tiyak na mas maraming mga service crew ang matutulungan ng inspirasyon na ito mula sa isang netizen. Marapat din naman nating pahalagahan ang mga taong nagtatrabaho sa mga fast food chain o maging saan mang establisyemento dahil katulad rin naman natin sila na nagsusumikap at nagtitiyagang magtrabaho para sa kanilang sarili at sa kanilang mga mahal buhay.





error: Content is protected !!