Liga ng basketball sa Zamboanga, nakasuot ng diaper ang mga manlalaro kaysa jersey!



Maraming mga Pilipino ang talaga namang nahihilig sa laro na basketball. Hindi na nakapagtataka na ito na nga ang isa sa pinakakilala at pinakasikat na laro sa buong bansa. Sa katunayan nga maraming mga tao rin ang kinahihiligan ang basketball bilang isang uri ng pag-eehersisyo o di kaya naman ay isang posibleng paraan ng pagkakaroon ng mas marami pang kaibigan.



Marahil ay ito na rin ang dahilan kung bakit marami tayong nakikitang mga kalahok at manunuod sa mga paliga sa barangay sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas. Ngunit kamakailan lamang ay talaga namang ikinatuwa ng marami ang mga manlalaro ng basketball na ito na nagsuot ng diaper sa halip na mga jersey sa paliga ng kanilang barangay.


Ang nasabing viral na post ay ibinahagi ng isang Kurt Justine Vicente Cudal kung saan sinamahan niya ito caption na: “Only in the Philippines #luyahandiaperleague #Onlyinzamboanga”. Ayon sa kaniyang post, ang nasabing liga ng basketbal ay ginanap sa Luyahan, Zamboanga City.


Sinasabing piyesta sa kanilang lugar noon at nakasanayan na ang ganitong mga ganitong uri ng liga. Kung kaya naman naisipan din ng mga organizer na lagyan ng kakaibang twist ang kanilang laro.



Makikita sa mga nagviral na mga larawan na kahit nakadiaper lamang ang mga manlalaro ay talaga namang kumpleto pa rin ito ng mga opisyal at komite maging ang mga referee. Marami din naman ang labis na humanga sa mga manlalaro dahil sa kahit pa nga mukhang sobrang nakakatuwa ang kanilang suot ay makikitaan pa rin sila ng husay at galing sa pagsushoot ng bola at sa kanilang depensa.

Mayroon nang higit sa 1,600 reaction ang nasabing post, 4,800 na shares at samu’t-saring mga komento mula sa mga netizen. Biro pa nga ng isang netizen, maaari na silang magtayo ng Philippine Diaper League (PDL) na maaaring tumalo sa PBA at MPBL.




error: Content is protected !!