Dahilan kung bakit ipinagbabawal ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbebenta ng ‘Maling’



Ang luncheon meat na nasa lata ay isa sa mga paboritong pagkain ng pinoy. Katulad na lamang ng ‘Maling’ na tinatangkilik ng maraming pinoy. Pero kamakailan lamang ay napabalitaan na ipinagbabawal na ang pagbenta at pagbili ng produktong ito sa ating bansa. Alamin natin kung bakit.


Inanunsyo noong ika-27 ng Mayo ang pansamantalang pagbabawal sa pagbabahagi, pagbenta, pagkuha ng produktong ‘Maling’ sa bansa. Ikinababahala na maaaring naapektuhan ang produktong ito sa kumukalat na viru$ na ‘African Swine Fever’ (ASF).



Ang Food and DrÜg Administration (FDA) ng bansa ay nag-iingat dahil sa bansang China ginagawa ang produktong ito na kasali sa mga bansang naapektuhan ng viru$. Ayon sa isang order ng FDA noong Setyembre ng nakaraang taon, ilan sa mga bansang naapektuhan ay China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Ukraine. Kamakailan lang ay muling dinagdagan ang mga naapektuhang bansa at kasama dito ang Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova, at Belgium.

Isang kalungkot-lungkot na balita ito sa mga mahihilig kumain ng ‘Maling’. Ang Secretary ng Department of Agriculture na si Manny Piñol ay pinamamadali, sa pamamagitan ng FDA, ang pagtanggal ng ‘Maling’ sa merkado.


Nagsabi din ang mga hog farmers at ang Department of Agriculture sa FDA na itigil ang pagbibigay ng clearance at mabigay ng order ng mabilisang pagtanggal ng mga produktong nagmula sa mga bansang naapektuhan ng ‘ASF’.

Ang OIC ng FDA na si Eric Domingo ay nagkumpirma na kasali ang ‘Maling’ sa mga ban na produkto. Ito ay sinabi niya sa isang text message niya sa The Philippine Daily Inquirer.


Ayon kay Domingo:
“Yes [Maling is covered by the ban]. The FDA regulatory board will go around and inspect. We also ask the public to report any sightings [of these banned products] to the FDA,”

Ayon naman sa CNN Philippines, nagbigay na ng order si Domingo sa pagpull-out ng mga produktong ito sa market at mailagay sa isang makakandadong lugar upang hindi mabenta.






error: Content is protected !!