Categories: Viral

Isang babae umayaw sa kasalan dahil sa diumano ay “panget” ang kaniyang mapapangasawa na OFW!

Marami na tayong nasasaksihan at napapanuod na mga matagumpay na kwento ng mga tao na mayroong “long distance relationship”. Lalo na sa mga Overseas Filipino Workers na nangingibang-bayan upang kumita ng malaki ngunit ang ilan din naman sa mga kwentong ito ay nauuwi sa pagkabigo at paghihiwalayan.

Isa na marahil ang kwentong ito ni Ferdinand Agam, isang 34 na taong gulang na OFW sa Qatar na lumapit at humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo. Dahil sa wala siya sa Pilipinas ngayon ay ang ina at pamangkin na lamang niya ang naging kinatawan niya sa nasabing komprontasyon.

Nais niyang ireklamo ang dati niyang nobya na si Lyn Migano mula sa Rosales, Pangasinan. Mula pa noong 2015 ay talaga namang hindi nga maipagkakaila na mahal na mahal niya si Lyn. Kung kaya naman para maipakita at maiparamdam sa nobya kung gaano niya ito kamahal ay nagpapadala ito ng P20,000 sa kaniya buwan buwan.

Ang ganitong uri ng set-up ay nagtagal pa ng ilang taon. Hanggang sa ninais na nilang dalawa na lumagay sa tahimik. At ito na nga ang naging simula ng magulo at miserable nilang relasyon. Nagbago nga ang ugali ni Lyn at ang dating pagtrato nito kay Ferdinand ay nabago din. Nakipaghiwalay din ito sa nobyo at sa ngayon ay mayroon nang bagong kasintahan.

Ninais na makipag-ayos ni Ferdinand ngunit naka-block na siya sa social media account ng dati niyang nobya. Kung kaya naman napilitan na itong lumapit sa programa ni Raffy Tulfo upang kahit paano ay maibalik sa kaniya ang mga bagay naipundar ni Lyn dahil sa pagpapadala niya ng pera dito nang ilang taon. Ayon naman kay Lyn, maraming masasakit na salita na ibinato ito sa kaniya kung kaya naman hindi na niya ito nakayanan at nakipaghiwalay na nang tuluyan dito upang kahit papaano ay makapagtira ng dignidad sa kaniyang sarili.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago