Iskolar ni Kara David na isang Mangyan, lisensyadong guro na!



Sa Pilipinas, ang kahirapan ay nanatili pa ring problema ng maraming pamilyang Pilipino lalo na para sa edukasyon ng maraming mga kabataan. Buti na lamang at mayroong mga scholarship program at iba pang organisasyon na naglalayong matulungan ang mga kabataan na walang kakayahang makapag-aral. Kung kaya naman maraming mga mag-aaral na Pilipino ang kahit papaano ay natutulungan sa pagkamit ng kanilang mga pangarap at sa pagsasalba na rin ng kanilang pamilya mula sa kahirapan.


Isa na sa kanila ang isang miyembro ng tribo ng Mangyan mula sa Mindoro Oriental na ngayon ay isa nang ganap na. lisensyadong guro. Tiyak na matutulungan na niya ang kaniyang komunidad matapos niyang pumasa sa Licensure Exam for Teachers (LET).




Sa post kamakailan lamang ng kilalang personalidad na si Kara David ay ipinagmalaki niya ang isa sa kaniyang mga iskolar sa Project Malasakit na pinangalanan niyang Patrick Reyes ay nakapasa na sa LET. Ayon kay Kara David, nakilala niya si Patrick Reyes ilang taon na ang nakalilipas noong nagkaroon sila ng dokumentaryo patungkol sa tribo ng mga Mangyan. At kahit pa nga sa murang edad nito ay mayroon na siyang pangarap na maging isang guro balang araw upang matulungan ang kanilang komunidad.


Ang Kapuso broadcast journalist ay labis na nagpasalamat sa mga donor na walang sawang sumusuporta sa kanilang proyekto. At higit sa lahat ay ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa Panginoon. Taong 2002 nang naitayo ni Kara ang “Project Malasakit” na naglalayong matulungan at masuportahan ang mga kabataang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral ngunit wala silang kakayahan na pinansyal.


Ang kanilang misyon ay magsilbing tulay sa mga Pilipinong nais tumulong at sa mga Pilipinong kapus-palad na nangangailangan ng tulong. Sa pamamagitan ng mga donasyon ay nasusuportahan nila ang pag-aaral ng mga kabataang ito sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa mga mabubuting loob na tao mula elementarya hanggang sa kolehiyo.


Ang unang iskolar ng Project Malasakit ay si Myra Demillo na isa ring Mangyan na naninirahan sa isang liblib na komunidad sa Mindoro, Oriental. Nagtapos siya taong 2006 sa kolehiyo at ngayon ay mayroon na siyang sariling computer shop a cellphone repair shop at sinusuportahan din niya ang kaniyang mga kapatid.





error: Content is protected !!