Kilalanin ang dating Child Star na si Makisig Morales at ang kaniyang mapapangasawa na si Nicole Joson!



Mahigit na sa isang dekada nang si Makisig Morales ay gumanap bilang isang batang superhero sa teleseryeng “Super Inggo”, at ngayon ay talaga namang lumaki na siyang makisig at matipuno.


Kasama ang kaniyang pamilya ay nanirahan sila sa Australia kung saan nagtrabaho si Makisig bilang isang service crew na isang international na fastfood chain habang siya ay nag-aaral. Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang engagement ni Makisig sa kaniyang nobya na si Nicole Joson.



Base sa kanilang mga social media account, ang nasabing proposal ay naganap sa Australia. Nagbahagi ng larawan nilang dalawa si Makisig at sinamahan niya ito ng caption na umuukol sa kaniyang nobya bilang kaniyang fiancée. Nagbahagi rin naman ng larawan si Nicole habang siya ay nakasuot ng engagement ring at sa tabi naman niya ay isang plato na mayroong nakasulat na “Will You Marry Me?”. May caption din itong; “He stole my heart, so I’m stealing his last name.”



Samantalang si Makisig naman ay nagpahayag ng kaniyang damdamin at sinabing, “You know you’re in love when you can’t fall asleep because the reality is finally better than your dreams.”

Si Nicole Joson ay isang Filipina-Australian beauty queen. Siya ay nakilala rin bilang “Miss Earth Australia Charity” at “New South Wales Finalist for Miss World Australia” noong taong 2017. Siya rin ay isang modelo, Instagram influencer, at nakikilahok rin siya sa maraming mga kawang-gawa tulad na lamang ng mga “feeding program”.


Ayon sa dating aktor, nagpropose siya sa isang fine dining restaurant sa Perth. Nagbahagi rin siya ng isa sa pinakamaganda at hindi malilimutang sandali ng kanilang buhay. Dagdag pa niya, ang nasabing fine dining restaurant na iyon ay umiikot habang kumakain sila at talaga namang makikita mo ang kabuuan ng Perth.



Noong una ay kinakabahan pa siya kung tatanggap ni Nicole ang kaniyang proposal kung kaya naman labis siyang nagpasalamatsa Diyos ng sumagot ito ng oo.