Kilalanin si ‘Quarter Boy’ ang lalaking nagbayad ng mga barya sa isang restaurant



Isang binata kasama ang kanyang dalawang kaibigan ang kumain sa isang restaurant. Sa kagustuhang ilibre ang kanyang dalawang kaibigan, siya ay nagbayad ng maraming barya na susundan ng pagpapahiya sa kanya sa social media ng kinainang restaurant.



Ang binatang ito ay si Cohen Naulty. Noong sila ay kumain sa restaurant, ang dala niyang pera ay $20 bill na pambayad niya sa kinain niya. Dahil sa kagustuhang ilibre ang mga kaibigan, ibinayad niya ang mga baryang nagmula sa mga tip na ibinibigay sa kanya sa trabaho. Ang trabaho niya ay isang waiter sa ibang restaurant. Bukod pa sa ibinayad ay nagbigay pa siya ng tip na $10.

Ang nakaka-lungkot ay hindi nagustuhan ng restaurant ang pagbayad sa kanila ng sangkaterbang barya. Nagpost sa social media ang restaurant at ito sa Lynchburg, Virginia.



Ito ang kanilang sinabi:
“We’ll just caption this…How NOT to pay at a restaurant, cause that’s the nicest thing we can think to say about this ridiculousness. #wearebeer88notcoinstar, #nohometraining, and #workingwiththepublic,”


Ang post na ito ay kumalat at maraming netizens ang nainis sa sinabi ng restaurant at kumampi kay Cohen. Sana na lang daw ay hindi na lang nagbayad si Cohen sa sinabi ng restaurant sa kanila. Napag-alaman ng ilang mga netizens ang tunay na kwento ni Cohen sa pagbayad ng barya.

Ito ang sinabi ni Cohen:
“I walked there with my friends and that is all I had to take with me. As a waiter I have a lot of change at the end of the day. Without a car I can’t just drive somewhere to change it all in whenever I want,”

Nasaktan naman ang nanay ni Cohen na si Kim Naulty sa hashtag ng restaurant na #nohometraining. Kahit sinong magulang ay masasaktan lalong-lalo na kung ito ang sasabihin. Sinabi ni Kim na ang anak niya ay isang mabuting bata at hindi kagustuhan ni Cohen ang mang-insulto sa pagbabayad ng barya dahil ito ay nagmula sa kanyang trabaho.

Dahil sa pangyayari, imbis na panigan ang restaurant ay sila ngayon ang binabatikos. Kung tutuusin, kahit na barya ang ibinayad, dapat paring tanggapin ito. Kahit saan man mapunta ay pera ito at pwedeng ipambayad. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari ito. Ang naging pagkakamali lang ay ang negatibong mga salitang nasabi.

Ito rin ang naging dahilan sa paglunsad ng ‘The Quarter Boy’ na tumanggap ng higit pa sa $5,000 sa loob ng apat na araw. Ginagamit ni Cohen ang perang nakuha upang makapag-bigay ng kabutihan sa ibang tao sa pamamagitan ng pagbabayad ng barya. Nililibre niya ang mga ibang kumakain sa restaurant at tinatanggap naman ang bayad niyang barya.




error: Content is protected !!