Categories: Viral

Doktor na nag-opera ng libre sa kaniyang guro, nag-iwan ng liham na nagsasabing bayad na ang lahat ng gastos 22 taon na ang nakalilipas!

Isang pasyente sa Perpetual Succour Hospital ang nakatanggap ng nakakatuwang surpresa ng sila ay magbabayad na sana ng kaniyang bill sa ospital. Si Virginia Roble, isang guro sa hayskul mula sa Manduaue Cebu ay nabalian ng kaniyang kanang kamay at nangangailangan ng operasyon sa nasabing ospital. Nang magbabayad na siya ay nakatanggap siya ng napakagandang mensahe tungkol sa kaniyang naging doktor na si Dilbert Monicit na naging dati niya pa lang estudyante na hindi na nagpabayad ng kaniyang professional fee para sa surgery.


Sa isang liham na sulat kamay ng doktor ay isinulat ng doktor na 22 taon na ang nakalilipas nang mabayaran ang professional fee niya para sa kaniyang dating guro. Idinagdag pa niya na ang kaniyang pasyente ang paborito niyang guro noon.


Bilang pasasalamat ay ibinahagi naman ng dating guro ang liham na ibinigay sa kaniya ng kaniyang doktor. Ayon sa post ng guro, magbabayad sana siya noon sa nurse’s station sa Perpetual Succour Hospital ng makakuha siya ng isang liham mula sa nurse’s station. Laking pasalamat naman niya kay Dr. Dilbert Monicit para sa maagang pamasko nito sa kaniya. Maluha-luha pa ang guro nang mabasa niya ito dahil inakala niya na ito ay reseta para sa kaniya.

Naging viral nga ang larawan na ito at nagkamit ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Talaga namang hinangaan hindi lamang ang kabaitan ng doktor kundi ang pagiging mahusay na guro rin ni Ginang Roble upang maalala siya ng kaniyang dating mag-aaral at hindi pa ito magpabayad ng kaniyang professional fee.


Tunay ngang marami pa rin talagang mga tao na hindi nakakalimot sa mga taong maging parte din naman ng kanilang tagumpay. Nakakatuwang malaman na mayroong mga tao na katulad ng doktor na ito na mayroong malasakit, paggalang at pagmamahal sa dati niyang guro. Ilang taon man ang lumipas ay hindi maiaalis ang mga aral at alaala na naipunla ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago