Isang aso ang araw-araw sumasakay sa bus upang pumunta sa isang parke nang hindi kasama ang kaniyang amo!



Ang mga aso ay pinaniniwalaan na mayroong maiiksing memorya kumpara sa ibang mga hayop or maging sa mga tao. Ngunit sa kabila nito ay may kakayanan pa rin ang mga aso na makaalala sa mga tao, lugar o karanasan depende sa pagiging malapit o kaugnayan nito sa aso.



Halimbawa na lamang ang tunog ng mga susi ng amo ng isang aso na ang magiging indikasyon upang maisip ng aso na lalabas ang kaniyang amo. Maaari din namang maalala ng isang aso ang bumisita sa inyong tahanan lalo na kung binigyan nito ng pagkain o “treat” ang iyong alaga sa kaniyang pagbisita sa inyong bahay. Maging ang mga paborito nilang bagay ay madali rin nilang maalala.


Tulad na lamang din ng matalinong aso na ito na araw-araw na sumasakay sa bus upang magtungo sa isang parke ng siya lamang mag-isa. Siya ay nakilala bilang si Eclipse, isang babaeng may lahing Labrador at Mastiff na nakatira sa Seattle at regular na sumasakay sa “D-Line Bus”.


Nagsimula ang lahat ng isang araw ay naghihintay ng bus si Eclipse at ang kaniyang amo. Nang mayroon nang huminto na bus ay agad nang sumakay ang aso kahit hindi pa handang sumakay ang kaniyang amo na si Jeff Young.



Nasorpresa siya ng naalala ni Eclipse ang kanilang kinagawian sa pagpunta sa Belltown dog park. Naging karaniwang gawain na ito ng alagang aso ni Jeff na talaga namang hangang-hanga sa kaniyan matalinong aso dahil kahit 3 o hanggang 4 pa ang mga lugar na hinihintuan. Naging karaniwan nang gawain ni Eclipse ang bumaba sa tamang babaan.

Sa King County, Seattle pinapayagan ang mga aso sa pangpublikong transportasyon basta mayroong nagmamaneho at hindi sila gumagawa ng anumang kaguluhan. Para naman kay Eclipse, malugod siyang tinatanggap ng mga driver ng bus dahil sa ngiti na dala dala nito sa maraming mga pasahero sa loob ng bus.




error: Content is protected !!