Isang dalagitang Pinay nadiskubre na ang Aratiles ay maaaring makagamot sa sakit na diabetes!



Isang dalagang Pilipina ang nakadiskubre sa Aratiles bilang gamot sa diabetes. Siya ay nakilala bilang ang 16 na taong gulang na si Maria Isabel Layson. Isang estudyante mula sa Iloilo National High School, nadiskubreng ang prutas na Aratiles o kilala rin naman bilang “Sarisa” ay maaari din palang makagamot sa Type 2 Diabetes.



Ibinahagi niya rin sa buong mundo ang kaniyang naging pag-aaral dahil sa nakalipas na 2019 Intel Science and Engineering Fair (ISEF) na kaniyang nilahukan kabilang ang 11 pang mga Pilipinong mag-aaral na ipinagmalaki ang kanilang mga naging katangi-tanging pag-aaral sa Arizona, USA.


Kasabay din nito ay ang kaniyang pagkapanalo bilang “Best Individual Research in Life Science” sa 2019 National Science and Technology Fair. Binigyan din siya ng “Gokongwei Brothers Foundation Young Scientist Award”.


Ang kaniyang naging pag-aaral sa prutas na Aratiles ay “Bioactive Component Antioxidant Activity, and Activity, and Antidiabetic Properties of Muntingia Calabura, an In Vitro Study”. Dagdag pa ng dalaga, maaari nang kainin ang prutas na ito bilang potensyal na panggamot sa diabetes dahil na rin sa antioxidant at anti-diabetic property nito. Dagdag pa niya higi sa prutas ay maaari din namang kainin ang bulaklak, dahon, ugat at sanga nito.



“This can lead to the production of medicine and this can also be used as a functional food. Basically, it’s just a fruit itself so you could take in the fruit and acquire the antioxidant and anti-diabetic properties.”

“It is a locally available and often neglected plant. It is literally growing by the road side. Another inspiration po siguro ng study ko is abundance and it is a sustainable source.” ayon kay Layson.

“My research won’t end here. It will actually further develop into more specific compounds. We will delve into other di$eases. This will help the community in the future,” dagdag pa niya.






error: Content is protected !!