Isang paaralan sa Mandaluyong, libre ang mga gamit pang-eskwela at uniporme para sa mga mag-aaral



Pasukan nanaman at siguradong maraming naging abala na magulang sa mga kinakailangan ng kanilang mga anak. Pero bukod sa mga magulang, mas naging abala ang mga guro sa pagaayos ng mga paaralan at mga silid nito.


Ilan sa mga problema ng mga mahihirap ang pagbili ng mga gamit pang eskwela. Dahil sa kahirapan ay hindi naibibili ng ibang magulang ng kompletong gamit ang kanilang mga anak. Gayon pa man, tunay na pinagpala ang mga mag-aaral ng eskwelahang ito dahil libre ang mga school supplies at uniporme nila.



Isang post ang ibinhagi ni Roselyn Napoles patungkol sa libreng School Supplies at Uniporme ng kanilang paaralan sa Mandaluyong.

Ito ang isa sa sinabi ni Roselyn sa kanyang post:
“Ganito kami sa Mandaluyong, all set on Monday ikaw na lang ang kulang.”


Siguradong matutuwa ang mga estudyante sa pagkakaroon ng mga bagong gamit pang-eskwela. Bukod pa sa mga notebook, libro, at marami pang iba, mayroon ding mga uniporme, medyas, at bag na kasama.


Lubos ang pasasalamat ni Roselyn sa mga taong tumulong at nagbigay ng kabutihang ito para sa mga estudyante.


Ayon sa pasasalamat ni Roselyn:
“(Thanks for spreading an inspiration thru these photos, behind this post, it’s possible because God uses good people like Mayora Menchie Abalos and LGU of Mandaluyong that never stop in what they can share and do to make better for the benefit of the schools and students, The SDO of Mandaluyong headed by ma’am Nerissa L. Losaria, our school Filemon P. Javier headed by our supportive principal ma’am Leonila Quiambao Masangcay who always hands on in every activities and instructions, my co-teachers who did the same preparation with mine, our custodian for the early distribution of supplies, to our non teaching personnel that lifted the supplies from 1st floor to 4th flr, from bldg. A to Bldg. B, collabortive effort that make things easier.”

Maraming netizens ang natuwa at hinihiling na ganito rin sana ang mangyari sa kanilang mga paaralan. Ang kabutihang ito ay malaking tulong at sobrang ikatutuwa hindi lamang ng mga mag-aaral pati narin ng mga magulang.




Idinagdag pa ni Roselyn:
“All efforts paid off cause of the parents smile and happiness upon handed those things and mostly, the children who wore it in this first day of school year.)”




error: Content is protected !!