Toga o Korona? Isang babaeng nakayang pagsabayin ang pagaaral at pagsali sa mga beauty pageant



Palagi tayong pinapayuhan ng ating mga magulang na tutukan ang pagaaral. Ito ang nagiging dahilan upang pagbawalan tayo sa maaring maka-sagabal sa ating pagaaral. Lalong-lalo na kapag nasa kolehiyo na! Dito ay nasusubukan ang pagpupursige upang makamit ang pinapangarap.


Madalas ding tayong pagbawalan sa mga ilang nakaka-hiligan dahil naiisip ng iba na ito ay sagabal sa pagtatapos ng pagaaral. Katulad na lamang ng pagkahilig ng kabataan ngayon sa mga online games. May mga magulang pa nga na pinagbabawalan ang mga anak na magkaroon ng kasintahan dahil sa paniniwala din na makaka-sira ng pag-aaral.



Gayon pa man, may isang magandang babae ang nagpatunay na kaya niyang pagsabayin ang hilig at pag-aaral. Ibinahagi ni Nikki San Diego Lejano ang kanyang tagumpay bilang isang graduate sa kolehiyo at pagiging isang beauty queen.


Marami mang humadlang sa kanyang kagustuhan sa pagsali sa beauty pageant, pinatunayan niyang kaya niyang pagsabayin ito.

Ibinahagi ni Nikki ang mga katanungang tumatak sa kanyang isipan sa pagkontra sa kanya sa pagsali sa mga beauty pageant:
“Pageant o Aral?”
“Puro ka nalang ganda, nag-aaral kapaba?”
“Alam ‘kong sumasali ka ng pageant pero dapat mas focus ka sa pag-aaral mo.”
“Ano ba talagang gusto mo? Bawal sa teacher yan.”
“Korona o toga?”



Pinatunayan ni Nikki na walang imposible sa taong nagsisikap. Pinapipili siya kung ano ang mas mahalaga, pero ang pinli niya ay parehas. Dahil para sa kanya ay mahalaga ang dalawang ito. Ito ang ipinagmamalaki niya na tagumpay sa lahat ng diskarte at sakripisyong ginawa niya.


Nagbigay din siya ng pasasalamat sa kanyang mga naging guro sa kolehiyo:
“Gusto ‘kong pasalamatan yung mga prof ‘ko sa walang sawang pagbibigay sa’kin ng excuse letter (pero kapag walang excuse letter, aabsent padin ako! hahaha!)”

Tunay na magandang aral ang ibinahaging tagumpay ni Nikki. Ayon sa post niya, dapat ay ginagawang “Carrer” ang “Passion”. Kung pinapipili ka kung ano ang mas mahalaga, at parehas mahalaga ito sayo, dapat ay patunayan mong kayang gawin ng sabay.

Sa larawan na ibinahagi ni Nikki, makikita na may nakasulat sa whiteboard. Ito ang naka-saad: “MAG-PAPAGEANT PERO GAGRADUATE”.


Si Nikki San Diego Lejano ay nanalo ng limang korona sa loob lamang ng apat na taon. Ito ang mga sinalihan niyang beauty pageant: Mutya ng Libtangin 2016, Bb. Gasan-Turismo 2017, Miss Education 2018, Miss BulSU-SC 2018, at Miss Tanglawan 2018. Siya ngayon ay nakapag-tapos ng pagaaral sa kursong BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN PHYSICAL SCIENCE.




error: Content is protected !!