Categories: NewsShowbizViral

Anak ni Alfred Vargas at misis nitong si Yasmine labis labis ang pasasalamat dahil sa naganap na binyag ng kanilang anak na si Cristiano!

Ang dating aktor at pulitiko na si Alfred Vargas at ang kaniyang napakagandang misis na si Yasmine Espiritu Vargas ay talaga namang walang mapagsidlan ng kanilang galak dahil sa naganap na binyag ng kanilang bunsong anak na si Cristiano.


Ang kanilang unico hijo ay isinilang noong Disyembre 2018 at kamakailan nga lamang ay napabinyagan na nila ito sa simbahan. Ang pulitiko na si Alfred Vargas ay mayroon ngang espesyal na mensahe para sa kaniyang anak.


“May the Father, Son, and Holy Spirit be with you always in this amazing adventure called life. May you find beauty in all the small and bigger things in this universe. May you be grateful for all the blessings coming your way. May you always find strength in your heart to accept and triumph over all the challenges to come.

May you find love and comfort in your family. May you reach your dreams whatever they may be. And when you reach them one day, never forget to give back, help others, and effect positive change in this world. I love you, son. Gusto ko malaman mo, ngayon pa lang proud na proud nako maging tatay mo. You are God’s most wonderful present to me and your mother,” saad ni Vargas.


Si Alfred Vargas ay isang aktor na naging pulitiko na rin. Nito lamang nakaraang eleksyon 2019 ay naihalal siyang muli bilang kinatawan ng ika-limang distrito ng Quezon City. Siya ay kasal sa kaniyang misis na si Yasmine Espiritu na nakilala ng marami dahil sa labis na pagkakahawig nito sa sikat na aktres na si Marian Rivera. Biniyayaan sila ng tatlong mga anak na sina: Alexandra Milan Vargas, Aryana Cassandra Vargas and Alfredo Cristiano Vargas IV.


Tunay nga na hindi lamang siya isang responsable, masipag at mapagmahal na ama sa kaniyang sambahayan ngunit isa rin siyang magandang ehemplo sa kaniyang maraming nasasakupan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago