Isang “centenarian” ibinahagi na ang sikreto sa mahabang buhay ay ang mabuting asawa!



Isang “centenarian” mula sa Canada ang nagbahagi ng kaniyang sikreto sa kaniyang mahabang buhay. Ayon sa kaniya, ang pagkakaroon ng isang mabuting asawa o kabiyak ang sagot sa pagkakaroon ng mahabang buhay.


Marami nga ang naniniwala sa isang kasabihan na “Happy wife, happy life!”. Kung ito ay pinaniniwalaan ng marami, ayon naman kay Esmond Allcock na mula sa Kerrobert, Saskatchewan sa Central Canada na ang kaniyang sikreto sa pag-abot niya sa 108 taong gulang ay ang pagkakaroon ng hindi lamang masayang misis kundi mabuting asawa.



72 taon nang kasal si Esmond sa kaniyang asawa na si Helen. Matapos nito ay nanirahan na siya ng mag-isa sa kanilang tahanan nang maiksing panahon at kalaunan ay lumipat na rin siya sa Kerrobert Health Centre. Si Esmond ang isa sa pinakamatandang nabubuhay sa Canada. At nang ika-108 niyang kaarawan ay nagkaroon nga ng pagdiriwang sa health care facility na kaniyang pinaglalagian.

Nang siya ay tinanong kung paano niya nagawang makapamuhay ng higit sa 100 taon, agad niyang sinambit na ang pagkakaroon niya ng mabuting asawa ang naging malaking dahilan. At tila nga sumasang-ayon ang Siyensya dahil ayon nga sa ilang mga pag-aaral, ang mga mister na mayroong masayang pagsasama kasama ang kanilang misis ay mas nagkakaroon ng mahabang buhay.


Ayon na rin sa Tilburg University sa “The Netherlands” sa kanilang Psychological Science Journal na ang mister o misis na kuntento at masaya ay magdudulot sa iyo ng mas mahabang buhay. Kung ang iyo inyo namang pagsasama bilang mag-asawa ay miserable na, nagdudulot ito ng hindi aktibong pamumuhay at kalaunan ay nagreresulta rin ng depresyon.


Ayon din sa pag-aaral ng social Psychologist na si Olga Stavrova, ang mga tao na mayroong masasayang asawa ay sasang-ayon na sila ay kuntento at masaya sa kanilang buhay na nagreresulta rin sa mas mahahaba nilang buhay kumpara sa mga asawa na hindi masaya at kuntento sa kanilang buhay.





error: Content is protected !!