Larawan ni Fernando Poe Jr. noong bata pa siya, umani ng maraming komento at reaksyon mula sa mga tagahanga nito!



Marami sa atin ang talaga namang napapamahal na sa mga kilalang personalidad o sa mga artistang palagi nating napapanuod sa mga telebisyon o di kaya naman ay sa mga sinehan. Kadalasang hinahangaan natin sila dahil sa kanilang kamangha-manghang talento, ugali, pisikal na anyo o di kaya naman ay sa kanilang mga hilig o interes.



Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na kahit pa day of sumakabilang buhay na ang ilan sa mga paborito nating artista ay hindi pa rin nawawala ang ating pagmamahal at paghanga sa kanila. Isa na marahil ang namayapang si Da King o si Fernando Poe Jr. Ilang taon na rin ang nakalilipas mula ng pumanaw si Da King. Siya ang tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Ikinatuwa ng marami ang dalawang larawan na ibinahagi ng Facebook page na “Alaala ng mga Larawang Kupas”, kung saan makikita ang larawan ng isang batang FPJ na nasa edad sampung taon at ang isa pang larawan kung saan siya ay nasa 63 taong gulang na. Ang mga nasabing larawan ay mayroong caption na: “THE FAMILIAR POST. Left-the young Poe when he was 10 years old. Right-the older Poe when he was 63-years old.



Ito naman ang ilan sa mga naging pahayag ng maraming mga netizen sa pag-alaala sa beteranong aktor:


“Trademark na ni FPJ ang pag-position ng kamay sa bulsa ng pants, pati ‘yong dalawang daliri magkadikit style niya,” komento ni C. Suello.

“Napakaraming tinulungan ni FPJ na hindi alam ng maraming tao dahil ayaw niyan ipaalam. Gano’n siya,” sabi ni A. Panlilio.

“Parang sa lahat ng artista at naging artista, siya lang yata ang minahal ng napakaraming tao,” pahayag ni B. Avecilla.

“Labis ko rin dinamdam ang pagkawala ng aking iniidolo na si Manedyer. Pinagtirik ko siya ng kandila ‘tsaka ko siya ipinagdasal. You are now in a better place,” pagsasaad naman ni B. David.




error: Content is protected !!