Categories: NewsShowbizViral

“Made with Love” talaga ang Restaurant na “Angrydobo” dahil sa pagaasikaso mismo ni Judy Ann Santos

Ang ulam na ‘Adobo’ ay isa sa pinaka-sikat na pagkaing pinoy! Maraming klase na ang luto ang nabubuo sa ulam na ito. Kahit ano pa mang luto ng adobo, siguradong masisiyahan ang bawat kakain nito lalo na kung may masarap na mainit na kanin. Sa sobrang dami ng bersyon ng putaheng ito, karaniwan sa mga sikat ay Adobong may gata, Hawaian Adobo, at marami pang iba. Hindi lamang baboy at manok ang pwedeng i-adobo, pati narin mga ilang seafoods katulad ng pusit at ilang isda.


Sabi nila, ang adobo daw ang pinaka-madaling lutuin na ulam. Kung tutuusin ay kung mayroon kang suka, toyo, karne, at ibang pampalasa, maaari ka nang maka-luto ng bersyon mo ng adobo.

Katulad na lamang ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na nagtayo ng negosyo na “Angrydobo”. Nagbukas ito noong ika-23 ng Mayo at matatagpuan sa 2456 Taft Avenue, Manila (sa tapat ng De La Salle University).

Ayon kay Ryan Agoncillo sa kanyang Instagram Post:
“True love is when you still serve your partner even when you’re angry”


Nagsimula daw ang pagiisip ng pangalang “Angrydobo” ng sila ay nagkaroon ng tampuhan. Pero kahit na ganun ang sitwasyon ay ipinagluto pa rin ni Judy Ann si Ryan ng paboritong ulam na Adobo. Kaya naman may tagline ang restaurant na “Made with Love”.


Kung nais mapuntahan ang kainan na ito bulas ito ng Lunes hanggang Linggo sa oras na 10am-10pm. Alam niyo bang si Juday mismo ang nagluluto at nagsisilbi sa mga kumakain dito. Katulad na lamang ng isang netizen na natuwa dahil nasaksihan niya ang personal na pag-asikaso ni Judy Ann sa restaurant.

Ang tweet ni @kelanocyte ang nagpakita ng pagiging masipag ni Judy Ann sa kanilang negosyo.

Ayon sa tweet:
“We decided to spend our Happy T here at Angrydobo and Judy Ann is here and the queen is serving.”


“Favorite part of the night was Judy Ann screaming, “HUY NAKAABOT KAYO!!!” kasi we told her na ang haba ng pila baka di kami makakain. Eto yung tumakbo siya sa Army Navy para mag-igip ng tubig. Yes she did that,”

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago