‘Bahang Kasalan’, Walang makaka-pigil sa kasalan kahit bumaha pa!



Ang pagpapakasal ay isang napaka-halagang araw para sa dalawang nagmamahalan. Ito ang pag-iisang dibdib at sumpaan na magmamahalan habang buhay. Kaya karaniwan sa mga kasalan ay pinaghahandaan. Ang iba ay bigay todo sa pagaayos at pagpapaganda ng dadausang lugar. Kalimitan din ay ginagastusan ng sobra upang maging maganda at maaalala ang kasalan. Pero may mga pagkakataon na ang panahon ang nagbibigay ng dagok sa ganitong pagdiriwang. Minsan ay kahit gaano kahanda sa pagdiriwang ay nasisira ng mga di inaasahang pangit na panahon.


Pero isang kasalan ang naganap kahit na binaha ang kanilang lugar. Ang kasalang ito ay magpapakita na walang makaka-pigil sa pinaka-aantay na araw nilang pag-iisang dibdib. Ang kasalang ito ay naganap sa Capiz, na magpapatunay na hindi sagabal ang masamang panahon sa ganitong klase ng pagdiriwang.




Ang dalawang kinasal ay sina Simeon at Glory Llorente na nagpakasal kahit na binaha ang kanilang lugar sa Jagnaya, Jamindan na isang bayan sa Capiz. Ang pagbaha sa kanilang lugar ay nagmula sa dumating sa kanilang bagyo na si Usman.


Mapapakita sa mga larawan na baha sa loob ng simbahan na lampas paa. Makikita sa larawan ang pagiging determinado ng dalawang nagpakasal pati na rin ng mga magulang at dumalo. Ang mga larawan ay kinuhanan ng isang photographer na nagngangalang Allin Kurasig.


Bagamat sa tingin ng iba ay isa itong panira ng okasyon, makikita sa mga mukha nila ang kasiyahan ng pagdiriwang. Makikita rin na nagprosesyon papuntang altar ang babae kasama ang kanyang mga magulang habang naglalakad sa baha. Makikita rin sa isang larawan ang pagtungtong ng mga nasa simbahan sa mga luhuran para maka-iwas sa pagbabad ng paa sa baha.

Makikita din sa isang larawan na karga ni Simeon si Glory habang masayang papasok sa gate at kasama ang mga abay nila. Makikita na mas mataas ang baha sa lugar na iyon kumpara sa simbahan.



Ang kaganapang ito ay magpapakita sa atin na walang makaka-pigil sa kanilang pagmamahalan kahit bumaha pa.




error: Content is protected !!