Inakala ng isang anak ng OFW na puro tsokolate ang laman ng isang balikbayan box, labis niyang ikinagulat na ama niya pala ang laman nito!



Tunay ngang ang kapaskuhan ay hindi lamang tungkol sa dami ng pagkain, inumin, kantang pamasko. Bukod sa pagdiriwang ng kapanganakan ng ating tagapagligtas na si Hesu Kristo, ito rin ang perpektong pagkakataon nang pagsasama-sama at pagiging kumpleto ng maraming mga pamilya.



Ngunit sa kasamaang palad ay hindi lahat ng pamilya ay nagkakaroon ng pagkakataon na makapagdiwang sa espesyal na panahon na ito. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na maraming mga pamilyang Pilipino ang kinakailangan na mangibang-bansa ang isa sa kanilang mga kapamilya dahil na rin sa kahirapan dito sa ating bansa at hindi sapat na sweldo para sa kani-kanilang pamilya.

Kung kaya naman nakakasanayan na lamang ng maraming mga anak ang magbukas ng mga regalo o mga balikbayan box sa mga ganitong panahon. Bagamat nasasabik sila at nais nilang makasama, mayakap at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ay wala silang magawa kundi makuntento na lamang sa mga padala nila mula sa ibang bansa.




Kaya naman hindi rin napigilan ng maraming mga netizen na mapaluha sa tagpo na ito ng isang anak at ama na OFW. Isang netizen na nakilala bilang si Marco Caesar ang nagbahagi ng video na ito sa social media. Dahil inakala ng pamangkin ni Marco na tipikal na balikbayan box lamang ito ay nagpose pa siya sa tabi nito. Tuwang tuwa naman ang bata habang binubuksan ang malaking kahon. Lingid sa kaniyang kaalaman na tatay niya pala ang laman ng kahon. Nang masilayan ang ama ay hindi na niya napigilan pang mapaluha sa labis na kagalakan.

Ang nasabing viral video ay kumurot din sa puso ng maraming mga netizens na nakaranasan din ng katulad ng karanasan ng pamilyang ito. Tunay ngang hindi matatawaran ng kahit anumang materyal na bagay ang pagmamahal, kalinga, at presensiya ng isang magulang sa kaniyang mga anak ngunit ang tanging hangad lang naman ng mga magulang ay ang ikagiginhawa at ikakaayos ng kinabukasan ng kanilang mga anak.




error: Content is protected !!