Isang bata na nagtitinda ng mangga sa Cebu pinalambot ang puso ng maraming mga Pilipino!



Tunay ngang masarap maging isang bata, yun bang wala ka pa masyadong inaalala, iniisip, o pinoproblema sa buhay. Ang tanging iisipin mo lamang ay ang pagpasok mo sa eskwela at paglalaro. Nakakatuwang isipin na minsan sa ating mga buhay ay nagkaroon tayo ng pambihirang pagkakataon na masulit ang ating kabataan.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan nga sa social media ang bata na ito mula sa Cebu na nakuhanan nang larawan habang matiyaga siyang nagtitinda ng mangga sa mura niyang edad. Ito ay ibinahagi sa social media ng isang netizen na nakilala bilang si Iwa Yan. Nilagyan niya ito ng caption na “Photo of the day 060319 @Barba Sports Complex Toledo City”. Ang mga larawang ito ay kuha niya mula sa Binibining Toledo Talents Night sa Barba Sports Complex, Toledo City.

Dagdag pa niya, hindi niya ibinahagi ang mga larawan na yon upang magpasikat sa publiko kundi upang maging inspirasyon sa maraming mga tao lalo na sa mga kabataan na madalas ay nakakalimot na magpasalamat sa maraming mga biyaya at pagpapala na kanilang tinatangkilik sa araw-araw.


Ang bata sa larawan ay talaga namang kamangha-mangha at isang napakagandang halimbawa lalo na sa mga kabataan upang makita ang kahalagahan ng kasipagan dahil na rin sa murang edad niya ay nagagawa niyang magtinda ng mangga upang kumita ng kaunting halaga ng salapi na magiging malaking tulong rin para sa kaniyang pamilya.


Talaga namang marami ang humanga at nagbigay ng papuri sa bata na nasa larawan. Ngunit mas marami din naman ang nag-alala sa kaniyang kalagayan lalo na sa murang edad ay wala siya sa kanilang tahanan o di kaya naman ay wala rin siyang kasama na mas nakakatanda sa kaniyang upang kahit papaano ay masiguro ang kaniyang kaligtasan.



Nawa ito ay magsilbi ring paalaala hindi lamang sa maraming mga kabataan kung hindi sa maraming mga magulang rin na mas ibayuhin pa ang pangangalaga sa kanilang mga anak.