Mga larawan ni Jinkee Pacquiao sa loob ng bahay, pinag-uusapang mansyon nila ito sa Beverly Hills



Ang taong nagsisikap ay pinagpapala. Katulad na lamang ng ating ‘Pambansang Kamao’ na si Manny Pacquiao. Dahil sa pagsisikap niya ay isa na siyang matagumpay at kilalang tao sa buong mundo. Sa bawat tagumpay na nakakamit ni Manny kasama siyempre ang kanyang pamilya lalong-lalo ang kanyang asawang si Jinkee Pacquiao.


Ang katanyagan at tagumpay ni Manny Pacquiao ay sinusubaybayan na rin ng maraming tao. Katulad na lamang ng pagbili niya ng mansyon sa Beverly Hills Los Angeles California noong taong 2015. Ayon sa napa-balitaan, nagkakahalaga ito ng 12.5 Milyong Dolyar o 665 Milyong Piso.



Mayroon itong lawak na 10,000 square feet at nasabing nagmamay-ari ay si Sean Combs. Pero kahit ito ay napabalitaan, marami ang gustong makita ang loob ng bahay dahil siguradong maganda ito. Nag-iisip ang ibang tao kung gaano kaganda ang pagdisenyo sa mansyon nila sa California.



Ang nasabing mansyon ay may dalawang palapag at sa pag-akyat sa hagdan ay makikita ang napaka-gandang chandelier. Sa laki ng mansyon ay mayroon itong pitong kwarto, malaking sala, magandang silid kainan, at may napabalitaan pang mayroon itong malaking ‘theater room’ na kayang maglaman ng maraming tao.


Isa sa sinusubaybayan ng maraming tao ay si Jinkee Pacquiao. Hindi lamang dahil sa asawa ito ni Manny dahil na rin sa pagiging ‘Fashionista’ niya. May nakitang mga litrato na ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram na magpapakita ang kagandahan ng loob ng kanilang bahay. May ilang nagsabi na ito ang loob ng mansyon nila sa Beverly Hills.



Makikita sa mga larawan ang napaka-gandang ayos ng disenyo ng bahay. Ang pagka-moderno ng itsura at ganda ng mga mamahaling kagamitan. Mapapansin din ang pagka-elegante ng kulay ng paligid at sa mga ilaw na nakaka-dagdag ng kagandahan ng lugar. Ibinahagi ni Jinkee ang mga larawan sa loob ng bahay sa pagpost niya ng iba’t ibang klase ng kanyang kasuotan.




error: Content is protected !!