Sila ang magkapatid na nanahi ng sapatos para may pang-baon sa eskwelahan



Ang edukasyon ay mahalaga upang maabot ang mga pangarap. Pero upang magkaroon ng magandang edukasyon kinakailangan ng pera. Paano na lamang ang mga mahihirap? Kaya may ilang mga bata sa lansangan na namamalimos at pakalat-kalat lang sa daan. Dahil hindi makuhang makapag-aral ay gumagawa ng paraan upang maka-kain sa araw-araw.


Bagamat maraming hindi nakakapag-aral, may iba naman ay nagagawan ng paraan. Pero kahit napipilit ng iba na makapag-aral ang kanilang anak, minsan ay kinakapos pa rin.



Isang kwentong magbibigay sa atin ng magandang aral tungkol sa dalawang magkapatid na nanahi ng sapatos upang kumita ng pera pambaon at pamasahe.

Nakita ang dalawang magkapatid sa isang daanan sa Valencia St. sa Puerto Princesa sa Palawan. Ang pangalan nila ay Manuelita Borbon na may edad na 13 at si Micko Borbon na may edad na 12. Sila ay mga estudyante ng Palawan National School. Si Manuelita ay Grade 8 at si Micko naman ay Grade 7.


Panganay na anak si Manuelita sa magkakapatid at sinundan ito ni Micko sa apat na anak nila Emmanuel at Mary Ann Borbon. Sila ay naka-tira sa Wescom Road sa Barangay San Pedro. Ang pinagkaka-kitaan ng pamilya ay pag-aayos ng sapatos. Natutunan ng magkapatid ang pananahi ng sapatos sa kanilang magulang. Sa hirap ng kanilang buhay, ang dalawang magkapatid na ito ay gumagawa na ng paraan upang makatulong sa kanilang magulang. Sinabi pa ng magkapatid na minsan daw pag may project sila ay hindi na lang bumibili at hindi na sinasabi sa kanilang ina dahil wala naman daw silang pambili.


Kapag sila ay pauwi na galing eskwelahan, sila dumidiretsyo sa gawaan ng sapatos na kaibigan ng kanilang pamilya. Dito ay nagkakaroon sila ng pera sa pananahi ng sapatos. Hindi man tinuruan ng kanilang magulang sa pananahi ng sapatos, sila ay natuto sa pamamagitan ng pagtingin sa paggawa.


Pangarap ng magkapatid na maging sundalo balang araw. Hindi malabo ito para sa kanila. Dahil sa murang edad pa lamang ay alam na nila ang kahalagahan ng pagsisikap at pagtitiyaga.




error: Content is protected !!