“Anti-tsismis Ordinance” ipinatupad ng isang barangay sa Baguio



Ang tsismis ay naka-hiligan na ng ibang Pilipino. Hindi lamang ngayong panahon ito nauso, pati pa noong bago pa tayo sakupin ng mga kastila ay nagagawa na ito. Pero may mga masasamang dulot ito sa mga taong pinag-uusapan lalo na kung maling impormasyon ang kinakalat. Ang paninirang puri ay nakakasama sa isang indibidwal at nakaka-apekto ito sa pagtingin sa kanya ng ibang tao.



Isang barangay sa Baguio ang Upper Rock Quarry ang nagpatupad ng “Anti-tsismis” ordinance kung saan ay ipinagbabawal sa kanilang barangay ang pakikipag-tsismisan.

Ayon sa batas na ipinatupad ng barangay:
“ANTI-TSISMIS ORDINANCE UNDER SECTION 511”
“REPUBLIC ACT 7160”
“A BARANGAY ORDINANCE PROHIBITING UNLAWFUL, RUMOR-MONGERING, AND SPREADING FALSE INFORMATION KNOWN AS ‘ANTI-TSISMIS ORDINANCE’ OF UPPER ROCK QUARRY, BAGUIO CITY”






Sa panayam ng ‘iJuander’ sa kapitan ng barangay ng Upper Rock Quarry na si Joey David, sinabi niya na hindi niya ibig sabihin na puro tsismoso at tsismosa ang kanilang lugar. Ang layunin niya ay para maiwasan, maminimize, at ma-disiplina ang mga tao sa kanilang lugar. At upang magkaroon din ng “Peace and Order”.


Ang bawat mahuhuling lumabag sa “Anti-tsismis ordinance” ay mayroong kaparusahan. Sa unang paglabag ay may ₱300 na multa, sa pangalawang paglabag naman ay ₱500, at sa pangatlong paglabag ay ₱1000 na multa. Lahat ng multa ay may kasama ring isang araw ng ‘community service’.





Mayroon ding kwento ng isang biktima ng Tsismis ang ibinahagi ng programang ‘iJuander’. Si Divina May ay isang taga Upper Rock Quarry na gigil sa kanyang kasama sa boarding house dahil sa pagkalat sa kanya ng mga hindi magagandang tsismis. Naapektuhan siya dahil naghihirap ang kanyang asawa sa pagtatrabaho ngunit tsinitsismis lang na nakaka-kain lang sila dahil sa bigay ng ibang tao.

Bagamat sa barangay na ito ay may ordinansa, mayroon ng civil case na pwedeng isampa sa taong napatunayang tsismoso o tsismosa. Ito ay ang libel at slander. Sa slander by deed, ito ay ang paninirang puro o tsismis na may kasamang pisikal na pananakit. Pabor ba kayo sa pagbabawal ng tsismis? Sana ba sa lahat ng lugar ay ganito?






error: Content is protected !!