Estudyanteng nakaisip ng wais na paraan para sa mga kamag-aral niyang palahingi ng kung ano-ano umani ng samu’t-saring komento at reaksyon!



Bilang mga estudyanteng, marahil ay naranasan na din natin na manghingi at mahingian ng papel, pulbos, pabango, o di kaya naman ay mahiraman ng bolpen. Ang sarap lang balik-balikan ng mga ganitong ala-ala habang ikaw ay nag-aaral pa. Ngunit kung sa atin ito ay isa nang ala-ala na masarap balik-balikan, ito naman ay isang maliit na problema para sa ilanh estudyante dahil sa kalaunan ay nauubos na lamang agad ang kanilang mga sariling gamit nang hindi nila namamalayan.


Kung kaya naman naging patok talaga sa social media ang wais na pamamaraan ng estudyanteng ito para maiwasan ang labis na panghihingi o panghihiram ng kaniyang mga kamag-aral sa kaniyang mga personal na gamit at ilang gamit pang-eskwela.




Isang netizen na nakilala bilang si Sarah Arabella Sanchez Canlas ang ilang larawan ng mga papel, pabango, pulbos, suklay na mayroong nakadikit na kani-kaniyang presyo. Caption niya sa kaniyang post, “Feeling ko dito ako yayaman HAHAHAHA. Hi mga classmates handa na akong maging mayaman hahahaha.”


Mapapansin na bawat personal na gamit ay may nakasulat na presyo, tulad na lamang ng suklay na maaari nong rentahan ng dalawang piso kada gamit, pulbos na maaaring gamitin sa halagang limang piso, at pabango na tatlong piso ang halaga kada isang wisik. Mayroon din siyang pinaparentahan na bolpen sa halagan tatlong piso kada isang oras at kung mawawala mo ito at hindi na maisosoli pa ay magkakaroon ka ng multa na tatlumpung piso! Mayroon din siyang iba’t-ibang size ng papel tulad na lamang ng isang buong papel, crosswise, lengthwise, na piso kada isang piraso at 1/4 sheet na piso kada dalawang piraso.



Tunay ngang ikinatuwa ito ng maraming mga netizen na tila nakaalala sa dati nilang mga kinaugaliang paghingi at panghihiram ng mga gamit. Mayroon din namang ilang netizen na nagsabing magandang ideya sa pagnenegosyo ang naisip ng wais na estudyanteng ito.




error: Content is protected !!