Isang grade 6 na estudyante ang sumasakay sa kabayo para makapasok sa eskwelahan



Mahirap man ang buhay, ginawan ng paraan ng isang estudyante para makapasok siya sa kanyang paaralan. Ang Grade 6 na estudyante na ito ay sumasakay sa kabayo para makarating sa eskwelahan.

Mahirap daanan at sadyang malayo ang eskwelahan ng batang ito. Ayon pa sa estudyanteng ito, matatarik at mabundok ang mga dadaanan para makarating sa kanyang eskwelahan.

Ang pangalan ng batang ito ay si Mel John. Nakaka-tuwa lang isipin na sa kagustuhang mag-aral ay nakaka-gawa ng paraan upang makapasok palagi sa paaralan. Maswerte na rin siya dahil kumpara sa ibang mga kaklase niyang naglalakad lamang, siya ay nakaka-sakay sa kanyang kabayo papasok at pauwi ng kanyang klase. Kaya minsan ay nagsasakay na rin siya ng mga kaklase at sinasabay na.



Sa mga ibang mag-aaral, pag-gising nila sa umaga ay kumakain, naliligo at inaayos ang mga kinakailangan sa pagpasok sa eskwelahan. Pero para kay Mel John, inuuna niyang asikasuhin ay ang kanyang alagang kabayo na may pangalan na ‘Norel’.

Mabuting bata si Mel John dahil imbis na maginhawa niyang tahakin ang papasok sa eskwelahan ay sinusundo niya ang mga kaklaseng pwedeng isakay sa kabayo. Nang siya ay tanungin kung bakit nagsasabay pa siya, ito ang kanyang sinabi: “Para matulungan ko sila para hindi sila mapagod,”.



Kung akala niyo ay madali ang pagsakay sa kabayo, diyan kayo nagkakamali! Kinakailangan ng matinding pagsasanay upang makasakay ka ng maayos sa isang kabayo. Kinakailangan din na kilala ka ng kabayo para hayaan ka nitong makasakay. May mga tamang mga sinyales, paraan ng pagpapagalaw, paraan ng pagliko, ang kailangan pagsanayan upang maging marunong sa pagpapa-galaw ng kabayo.

Nakaka-bilib si Mel John dahil nagagawa niyang sakyan ang kabayo kahit na sadyang hindi maganda ang kanyang dinadaanan. Umaabot 30 na minuto ang inaabot na oras ng papasok niya sa haba ng tatlong kilometro. Dito mapapatunayan ang taglay na kasipagan ng bata at ang nais na matuto sa paaralan.

Ayon sa kanyang principal na si Richard Padernal:
“May award siya na perfect attendance, so ‘yan nakatulong sa kaniya kung paano siya nag-top sa klase. Nakatutulong sa kaniya ‘yung kabayo niya,”





error: Content is protected !!