Isang pulubing matatas magsalita ng Ingles, isa pa lang dating propesor sa Ateneo at UP!



Kahit pa tila nagiging problema na ng ating bayan ang maraming mga pulubi sa lansangan na nanghihingi ng limos ay hindi pa rin talaga natin matiis na balewalain na lamang natin sila. Sa paglipas ng maraming panahon ay tila patuloy at patuloy pa rin silang nakakagawa ng paraan upang makalimos ng tulong at mahipo ang ating konsensya.


Mayroong mga pulubi na may bitbit pang mga sanggol habang sila ay namamalimos o di kaya naman ay mga batang umiiyak habang sila ay naglalakad sa ilalim ng nakakapasong init ng araw. Mayroon pa ngang ilan na nagpapakita pa ng reseta upang makahingi ng pera na pangbili nila ng gamot. Mayroon din namang may mga kasama na bulag na mayroong pang karatola na nakasabit na humihingi sila ng kahit kaunting tulong man lamang.




Nakakagulat na marami na pala silang nagagawang paraan sa kanilang pamamalimos sa lansangan sa halip na maghanap sila ng mga desenteng trabaho lalo na at marami din naman ang bata pa lamang ay mga nagtatrabaho na din. Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pulubi na ito, na hindi humihingi ng pera kundi pagkain.

Isang netizen na nakilala bilang si Faith “Faye” Ares ang nagpakita ang kabutihang loob sa pulubi na ito na mahusay magsalita ng Ingles! Sambit sa kaniya ng lalaking pulubi, “Miss, I am sorry, but I have to tell you something. Please don’t get mad. And sorry to bother you but I’m not gonna ask for money, I’ll be asking for food to eat ‘coz I’m hungry.” Laking gulat ni Faye ng marinig ang hinaing ng matanda ngunit dahil na rin sa kaniyang gutom ay mas minabuti na lamang niyang yayain ang pulubi sa loob ng isang fast food chain. Nasorpresa din ang matandang pulubi na mayroong tumulong sa kaniya at hindi siya binalewala.


Kumain na sila at nag-usap kalaunan, napag-alaman ni Faye na ang pangalan ng matandang pulubi ay Jansen Locsin na nakapagtapos sa Ateneo de Manila at dating propesor sa UP at Ateneo. Naikwento ni Tatay Jansen na wala siyang sariling pamilya ngunit mayroon pa siyang dalawang kapatid na babae sa Bacolod. Siya ay nasa Cebu para sa isang negosyo ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito naging matagumpay at naiwan siyang bankrupt at walang tahanan.




Matapos nilang kumain ay inabutan niya ng tubig at isang daang piso ang matanda na noong una ay ayaw pa niyang tanggapin. Ngunit ipinilit ni Faye ang maliit na tulong niya para sa matandang pulubi, tinanggap naman ito ni Tatay Jansen at hiningi ang kaniyang numero upang balang araw ay makapagpasalamat din sa kaniya.




error: Content is protected !!