Naging inspirasyon para sa publiko ang lumang larawan ng ID ni Senador Manny Pacquiao noong siya ay manggagawa pa lamang!



Hindi naman na lihim sa maraming mga Pilipino na ang Senador na si Manny Pacquiao ay ipinanganak sa isang mahirap na pamilya at pinasok lamang niya ang pagboboksing dahil sa kahirapan. Habang lumalaki ay nakaranas siya ang maraming mga pagsubok at paghihirap sa buhay.


At makalipas ang ilang pang taon ay nakamit na rin niya ang inaasam-asam at pinaghirapan niyang tagumpay. Ngayon ay isa na siya sa pinakamayaman at pinakatinitingalang tao sa Pilipinas. Sa kabila ng kaniyang tagumpay ay marami pa ring mga tao ang hindi maiwasang hangaan siya dahil sa mga pagsubok at karanasang napagtagumpayan niya sa kaniyang buhay. Siya rin ang buhay na patotoo na ang pagsusumikap, pagtitiyaga, at determinasyon ay talagang makapangyarihan.



Noong 15 taong gulang pa lamang siya ay namasukan na siya bilang isang manggagawa sa isang construction site. Sa kaniyang social media account, nagbahagi nga siya ng larawan ng kaniyang lumang ID noong siya ay nagtatrabaho pa sa isang kompanya taong 1994.



Sa Facebook post naman ng Memories of Old Manila ay nagbahagi rin ang miyembro nito na si Sarah Joy Gabriel Rivera ng throwback na larawan ng ID ni Manny Pacquaio na nagpapatunay lamang ng kaniyang mapagpakumbabang simulain. Ang mga detalye nga mula sa nasabing ID ay nagpapakita ng kaniyang tirahan, paglalarawan ng kaniyang trabaho, petsa ng pagkakabigay ng ID, at ang kaniyang SSS number.


Bukod naman sa pagiging manggagawa ay mayroon ding isang netizen na nagbahagi na namataan niya noon ang batang Pacquiao na nagmamaneho ng isang “padyak” at naging panadero din siya noon sa kanilang lugar. Sa kabila ng napakaraming tagumpay na kaniyang tinamasa ay nananatili pa rin siyang mapagpakumbaba at marunong tumanaw sa kaniyang pinagmulan.


Maraming mga Pilipino ang talaga namang humahanga sa kaniya at sa kwento ng kaniyang buhay. Tunay ngang kailanman ay hindi matatawaran ang pagiging pursigido, matiyaga, at masipag ng isang tao na talaga namang magdadala sa kaniya sa tagumpay ng buhay.






error: Content is protected !!