Susi ng bahay, ikinabit sa alagang aso! Pwede o Delikado?



Kapag tayo ay aalis ng bahay at alam nating may paparating, isa sa mga pinag-iisipan ay kung saan itatago ang susi upang ang paparating ay makaka-pasok ng bahay. Minsan ay iniiwan ang susi sa mga lalagyan na malapit sa bahay. Gayon pa man ay delikado ito at baka may makakita sa pinaglalagyan. Pero minsan ay hindi tayo nababahala dahil ang iba ay may alagang aso. Kaya nga minsan ang tawag sa aso ay ‘bantay’.


Isang post ang kinagiliwan ng maraming tao dahil sa paraan niya ng pag-iwan ng susi ng kanilang bahay. Ang susi ay iniwan kay bantay! Ang post na ito ay ibinahagi ni “Marrie Jhoanna sa isang Facebook page na” DOGS AND PUPPIES Philippines”.



Ang naturang post ay may caption na:
“Yung ang taba ng utak ng pinsan ko…??

Makikita sa litrato ang kakaibang paraan ng pag-iwan ng susi. Sa unang litrato ay mayroong papel na naka-ipit sa pinto na may nakalagay na “Yung susi na kay Butter”. Lubos na ikinatuwa ng naka-kita sa ginawa ng kanyang pinsan. Ipinakita rin sa litrato na ikinabit ang susi ng bahay sa strap sa leeg ng aso.



Marami ang naaliw sa mga litrato at lubos na natuwa dahil mukhang mabait si Butter. Pero kung may natuwa sa pangyayaring ito, may iba ring nag-iisip na na ito ay delikado hindi lamang sa aso pati na rin ang kinababahalang baka manakawan.

Pwede o Delikado?


Ayon sa mga komento ng Netizens sa pagkatuwa sa post:
“Ganyan din ginagawa ko pag mas mauunang uuwi si wifey.”

“Ang witty nito! Magaya nga hahaha.”



“Kapag kilala niya, makukuha na iyan, kapag hindi, naku kagat malamang magpapa–inject k buwan–buwan sa vet.”

“Wa ha ha! Di talaga makukuha ng iba yung susi.”

Ayon naman sa mga komento sa pagkabahala sa post:
“Haha, kung matapang lng aso mp sa ibang tao pwede pa eh. Pero kung friendly ang aso mo asahan mo wala na kayong gamit sa loob ng bahay niuo. Haha”



“Magaling sa isang banda, napabilib ako, pero napaisip din ako, baka mailagay mo pa yung aso sa alanganin…eh kung lasunin si aso… sabagay naisip ko lang…”

“Kaso pag friendly si baby delikado parin. Hihi. Gaya ng baby khulet ko masyadong friendly lahat ng makita nilalapitan nya. ???




error: Content is protected !!