Itinampok ng netizen na ito ang isang “Tatay” na nagsusumikap makatapos ng pag-aaral sa kabila ng kaniyang edad!



Bilang mga magulang, likas na sa atin ang unahin ang pangangailangan ng ating pamilya lalo na ng ating mga anak. Sabi nga ng marami, pagkain na isusubo mo na lang sana ay ipapakain mo pa sa iyong mga anak. Kahit pa maraming nagsasabi na mahirap ang buhay ay talaga namang hindi pa rin maiaalis ang labis labis na pagmamahal, pagkalinga, at pagmamalasakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.


Lalo na sa kanilang edukasyon, maraming mga magulang ang iginagapang talaga ang mga gastusin para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Maaaring sa ngayon ay libre na lamang ang matrikula sa mga pangpublikong paaralan, ngunit sadyang mayroon pa ring mga pamilya na hirap sa pang-araw-araw na gastusin para sa kanilang araw-araw na pagkain ng pamilya, pangbaon ng mga anak sa eskwela at iba pang mga gastusin.




Kung kaya naman marami talaga ang humanga sa ama na ito, na nakuhanan ng isang netizen ng larawan habang nagpapa-photocopy ng kaniyang mga hand-outs. Ayon sa Facebook post ng isang Juvelyn Capariño Basas, noong una ay inakala nga niyang para sa mga anak na estudyante ng lalaki ang mga hand-outs na iyon ngunit laking gulat na lamang ng netizen na para pala sa kaniya iyon!

Dagdag pa ng netizen, ang lalaki ay nag-aara sa ICCT Education at nasa ika-apat na taon na ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Bukod dito ay isa pala siyang “working student” dahil sa isa siyang pintor sa umaga at estudyante naman sa gabi. Siya ay isa ring iskolar ng Commission on Higher Education o CHED.



Labis namang hinangaan ng mga netizen ang naturang lalaki. Mayroon ding ilang mga naging kamag-aral ang lalaki na hindi nakuhanan ng pangalan ng netizen at ang mga ito ay nagpapatotoo kung gaano kahusay, katalentado, at kagalang ng lalaking ito na isang “Haligi ng Tahanan” at isa ring estudyante.




error: Content is protected !!