Categories: Amazing

Silipin ang pinakamaliit na isla sa buong mundo at ang pamilyang naninirahan dito

Marami sa ating mga Pilipino ang nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay at lupa. Upang makamtan ang pangarap na ito, marami sa atin ang nagsusumikap at nagtitiyagang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kakapusang pinansyal. At dahil sa determinasyong makamit ang mga pangarap na ito ay unti-unti rin natin makakamit ang tagumpay. Kadalasang namamangha tayo sa mga tahanan ng mga iniidolo nating mga artista, na dating mula sa hirap ay nagsumikap at ngayon ay matagumpay na sa buhay. Ngunit alam niyo bang nagpamangha rin sa marami ang pinakamaliit na islang ito sa buong mundo na mayroong tahanan ng isang pamilya na nakatayo sa kabila ng naging bansag dito.


Ang tawag sa isla na ito ay “Just Room Enough” na makikita sa Saint Lawrence River off Alexandria, New York. Naagaw nito ang titulo sa islang tinatawag na Britain’s Bishop Rock na matatagpuan sa Isles of Scilly. Taong 1982 ng tayuan ito ng light house kung kaya naman wala nang taong nanirahan dito, wala na ring mga halaman at mga puno kung kaya hindi na ito itinuturing na isang isla.


Taong 1950 naman ng binili ng pamilya Sizeland ang isla dahil nais nilang magkaroon ng lugar na mapagbabakasyunan. Isang tahimik at mapayapang lugar na wala silang kapitbahay at tanging tubig at halaman lamang ang nakapaligid sa kanila. Kasing laki lamang ng tennis court ang nasabing isla na mayroong haba na 78 feet at 27 feet na lapad. Mayroon ding isang puno at ilang halaman sa tabi ng kanilang mumunting tahanan na talaga namang nakadagdag pa sa ganda ng lugar.


Dahil sa kinilala ito ng Guinness World of Records bilang pinakamaliit na isla sa buong mundo, napakaraming mga tao at mga turista ang nagnanais makatapak at makatungtong sa kakaibang isla na ito. At dahil sa ganitong pangyayari ang ninanais na katahimikan ng pamilya Sizeland ay hindi na magiging posible. Gayunpaman, dahil pag-aari na nila ang isla, walang sinuman ang maaaring makapunta doon ng walang pahintulot ng pamilya dahil sa pribado na ang lugar na iyon.

Juan Tambayan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago