Sylvia Sanchez kinumpirma ang relasyon ng kaniyang anak na si Arjo Atayde at Maine Mendoza!



Marami ang nagulat nang naging usap-usapan ang pagkakamabutihan ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde at ng Kapuso actress na si Maine Mendoza. Marami man ang nagkunot ng kanilang mga noo sa nasabing balita ay ikinatuwa pa rin ito ng marami. Una na ngang nakilala si Maine Mendoza bilang katambal ni Alden Richards kung saan nakilala at sumikat ng husto ang tambalan nilang Aldub. Habang si Arjo Atayde naman ay kasalukuyang gumagawa ng sarili niyang pangalan sa industriya ng show business. Siya rin ay mayroong nobya noon sa industriya na isang “Girl Trend” member na si Sammie Rimando at mas lalo pang nakilala sa natatangi niyang pagganap sa “FPJ’s: Ang Probinsiyano”.


Unang nagkasama sina Maine at Arjo sa isang pelikula noon kasama pa sina Vic Sotto at Coco Martin. Marami nga ang nabahala sa naging kontrobersiya na kaugnay ng pagkakamabutihan ng dalawa. Humantong pa nga ito sa hindi magandang pagtanggap ng mga tagasuporta ni Maine at sa pagbabanta sa buhay ni Arjo at ng kaniyang pamilya. Dahilan upang ipagtanggol siya ni Maine sa mga taong hindi maganda ang sinasabi sa kaniya.




Kamakailan lamang ay nagsalita na nga ang ina ni Arjo Atayde na isa ring batikang aktres patungkol sa relasyon ng kaniyang anak at ng Kapuso actress na si Sylvia Sanchez. Narito nga ang kanyang pahayag sa unang pagkikita nila ni Maine Mendoza:
“She was respectful, pleasant na bata. Her first words were, ‘Hi po, Tita!’ She seemed shy when Arjo introduced her to me. Ang lamig-lamig ng kamay niya!”, ayon sa aktres.


“The whole time, ang gaan ng feeling ko sa kanya. We were at the [dining] table for more than four hours. Hindi ko naramdaman na, ‘Hey, I am Maine Mendoza; sikat ako!’ Nothing like that. She introduced herself as Nicomaine Mendoza, her real name, so it meant that she was there not as Maine Mendoza the star, but Nicomaine Mendoza the private person. She was nice even to our kasambahay when Arjo introduced her to them,” dagdag pa ng mahusay na aktres.




error: Content is protected !!