Apo sa tuhod ni Presidente Duterte, pinangalan na Rodrigo III!

Ganap na ngang lolo ang Presidente ng Pilipinas na si Presidente Rodrigo Duterte. Sa social media account ng Presidential son na si Paolo “Pulong” Duterte ay nagbahagi siya ng napakagandang balita para sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta. Dahil sa siya ay ganap na ngang lolo. Sa kaniyang social media post ay nagbahagi siya ng isang larawan ng napakalusog na batang lalaki habang hawak-hawak ito ng mga nurse sa loob ng isang delivery room.

Kasabay ng larawang ito ay ang caption niya sa Cebuano, “Hello Rodrigo III, You have made me a grandfather. Let’s just accept that, Congrats Rodrigo S. Duterte II, we’re now even.” Nagpasalamat din naman ang incoming Davao City 1st District Representative sa mga doktor at nurse na tumulong at umasikaso sa kanila.

Pagpapaliwanag pa ni Pulong, na ang bagong silang na sanggol ay anak ni Rodrigo II. Siya ang isa sa tatlong mga anak ni Pulong sa kanyang dating asawa na si Lovelie Sangkola. Bilang panibagong biyaya at karagdagang miyembro sa angkan ng mga Duterte, si Rodrigo III ang kauna-unahang apo sa tuhod ng Presidente Rodrigo Duterte.

Ang nasabing viral na post ay umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko. Marami ang nagkomento ng “Lolo Pulong” sa nasabing post na agad namang sinagot nang pabiro ng Congressman at sinabi sa Cebuano na; “Thank you. But are you congratulating me because I’m now a Lolo?”

Marami din naman ang nagpahayag na maaaring bata pa siyang maituturing sa pagiging lolo niya ngunit mas magkakaroon siya ng marami pang panahon upang makasama ang kaniyang mga apo at magiging apo pa.

Nitong nakaraang Disyembre 2018 lamang ay tuwang-tuwa ang Presidente matapos siyang dalawin ng anim niyang mga apo para sa kaniyang selebrasyon ng ika-73rd na kaarawan. Ang mga apo ng Presidente ay sina Stonefish, Stingray, Shark na anak nina Sara at Manases Carpio, sina Uno at Sabina na anak naman ni Paolo Duterte; at si Yair na anak ni Sebastian Duterte.



error: Content is protected !!